Kabanata 9

28 1 0
                                    

Nia's POV:

He's gone.Saan siya nagpunta?Kanina'y naroroon lang iyon sa likod ng puno,pero bigla nalang siyang nawala na parang bula.

Tumayo ako at naglakadlakad sa hindi kalayuan.
I tried searching him everywhere.Kung saan natutuon ang aking paningin ay wala akong mahanap na Xavier.Maging sa itaas ng talon,sa mga nagtataasang puno at pabalik sa puno ng balite.Ngunit walang Xavier na nagpakita.

Nanalulumong tumalikod ako at bumalik kina Maya.Pansin ko naman na nakatingin ang mga naliligo sa akin na tila ba'y natatakot at nac-curious.

What's with them?

"Ate Nia.Bakit ka nagpunta doon malapit sa puno ng balite?Alam mo bang nakakatakot doon?"
Ani ni Maya nang makalapit ako.

Napaupo ako sa dating inuupuan.At sinagot ito.
"Wala lang Maya."

Wala namang masama kung lumapit ako doon.Wala ngang nangyari sakin.

"Eh teka ate,saan galing iyang kwintas mo po?"
Sabi ni Lucas at tumabi sa akin.

Kinapa ko ang kwintas na binigay nung matanda.Ewan ko kung anong meron dito.Hindi naman ako naniniwala sa mga gani-ganito eh.Bakit pa kailangang isuot ito?

"Ay naku,may matandang nagbigay sakin nito.Proteksiyon daw sa mga masasamang elemento."
Natatawa ko pang sabi.

Eh bakit ba nagpapaniwala sa ganiyan.Nung nalaman kong engkanto si Xavier,wala naman siyang ginawa sakin.Pinakilig lang naman ako.

"Si ate Nia oh nangingiti.Oyyy."
Ito talagang si Lucas.

Di ko akalaing napangiti na pala ako.Bakit ba kasi kapag iniisip ko ang lalaking yun feeling ko lumilipad utak ko?

"May boyfriend ka na ba ate Nia?"
Napatingin ako kay Maya dahil sa pagsingit nito sa usapan.

"Uy wala pa ano.Wala pa iyang boyfriend-boyfriend sa'kin.Hindi ko pa planong magkaroon ng ganiyan."

"Talaga?Eh bakit nung isang hapon parang may kausap ka sa terasa?Yung matangkad na lalaki...sino iyon ate?"

Tuluyan na akong napalingon kay Maya.Papaanong nakita niya kaming dalawa doon?Siguro dahil sa...er paghaharutan namin ni Xavier eh hindi ko napansin na may nakatingin na pala sa amin.
Papaano ko naman ipapaliwanag sa kanila na si Xavier iyon?Yung engkantong nakita ko sa kakahuyan tapos ngayon...wala akong makapang salita na isasagot.

"Wag niyong ipagsasabi ito kina Lola at Mama ha?Maging sa nanay niyo."
Pabulong kong sabi sa kanila na maiging nakikinig lamang.Tumango naman ang dalawa.
"Manliligaw ko iyon."

"Talaga ate?May manliligaw ka dito sa baryo namin?Sino naman?Kilala ko ang mga lalaki dito ate,yung iba sa kanila, oo may crush sa'yo pero wala naman silang binanggit na manliligaw sila ah."
Sabi ni Lucas na ikinabahala ko.
Taena saan naman ako makahahanap ng maisasagot nito?Gagawin ko na naman ang nakagawiang pagsisinungaling ganun?

Hindi pa naman nila alam na engkanto iyon.Baka pag sinabi ko eh magulat sila tapos mangyayari ang di dapat mangyari.

"Ay naku Lucas...hehe.Basta,mukhang taga ibang baryo siya eh.Dayu ata yun dito nung magkita kami."

MarahuyoWhere stories live. Discover now