Kabanata 18

23 1 0
                                    

Nia's POV:

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang makita ko ang isang bulto ng kung sino na nilangoy ang kinaroroonan ko.Nang makalapit ay doon ko lang ito nakikilala.Ito yung kasama ni Xavier.Hinila nito ang aking katawan paitaas.

Nang makarating sa mababaw na parte ng talon ay napabuga ako ng hangin at sumisinghap na lumanghap ng hangin.Tinulungan ako nitong makaupo at doon ko lang napansin ang kabuuan ng talon na ngayon ay parang dinaanan ng giyera.

"A-Anong nangyari?"
Humihingal kong sabi sa lalaking kaharap.

"Nagkalat ang kapatid ko.Pero sigurado akong patay na ang Magnus na iyon.Mabuti't nasagip kita kaagad."
Saad nito.

"Ma-magkapatid kayo?"

Isang tango lang ang sinagot nito sa akin.Kumumpas ito sa ere at may lumabas na makapal na tela at ipinantakip sa aking katawan.Magkapatid nga sila ni Xavier, gentleman.Pero mailap ata ang isang 'to.

"Ginamitan ka ata ng hipnotismo ng walang hiyang iyon.Mukhang lasog na lasog na ang katawan nun ngayon,lakas makaselos ng lokong yun."

Napayuko naman ako dahil kahit hindi nito pinaalala ang nangyari parang dinidikta din naman nito yung kaninang ikinagalit ko.Ano na kayang nangyari kay Xavier?

"Ako si Xenon,bunsong kapatid ni Xavier."
Pagpapakilala nito at tsiyaka tumayo.

Inilahad nito ang kaniyang kanang kamay sakin na agad ko din namang tinanggap.Inalalayan niya akong makatayo.

"Nia."

Agad akong napaangat ng tingin sa tumawag.Naiiyak na pinagmasdan ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap.Mabilis akong lumayo kay Xenon at kahit nangangatug ang mga tuhod ay mabilis na tinungo ko ito.

"Xavier."
Agad ko siyang niyakap ng mahigpit nang tuluyan na akong makalapit.Sinubsub ang mukha sa kaniyang dibdib at tuluyan na akong napahikbi.Ramdam ko ang pagpalibot ng kaniyang mga braso sakin.Ang kaninang pag-aalala'y nawala nalang bigla at napalitan ng kasiyahan dahil buhay siya.Thank God that he's alive.

"Nag...alala ako sayo.Kanina pa kita hinahanap.Kanina ko pa dinadalangin...na sana walang mangyari sayong masama,Xavier.Hindi ko maiwasang mag-alala sayo,mas malaki pa yung Magnus na yun eh."
Kumalas ako sa yakapan namin tsaka siya sinuri kung may sugat ba siya o baka na-injured.

"Ayos lang ako mahal ko.Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."
Napatiim-bagang ito nang mapansin ang sugat ko sa braso,gawa ng mahigpit na paghawak ng Magnus na yun."Siya ba ang may gawa nito?"

Tumango lang ako at napaiwas ng tingin.Nakakatakot kasi yung mga mata niyang parang papatay ulit.

"Hindi ko mapapatawad ang bakulaw na iyon.Kahit patay na siya tiyak akong paulit-ulit din siyang papatayin sa impyerno.Napakahalang ng bituka,may balak ka pang agawin sakin."
Napalingon ako dito dahil unti-unting ginagamot ng kapangyarihan niya ang mga sugat ko.Tsaka ako tiningnan sa mata.Ang mga berde niyang mga mata na palaging nagsasaad ng kaligtasan at kabutihan.Napangiti ako sa kaniya dahil sa labis na kasiyahan.How come this mythical creature makes my heartbeat so fast without knowing.

Tinawid ko ang distansiya ng aming mga mukha tsaka siya ginawaran ng isang halik.Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang mainit na hininga sa aking mukha at ang paghaplos ng kaniyang mga kamay sa aking leeg.

"Ehem."

Isang boses ang nagpahiwalay saming dalawa.Muntik ko nang makalimutan may kasama pa pala kami.Great nakakahiya!Sigurado akong pulang-pula na ng mukha ko ngayon.

"Dito pa talaga kayo sa harapan ko gumagawa ng milagro ha.Tss."

"Humanap ka nalang din ng mahahalikan, Xenon.Inggit ka lang."

"Tss,umalis na nga tayo.Dami mong alam."

Hinarap ako ni Xavier na para bang may nakalimutan pa siyang sabihin.

"Kailangan muna nating bumalik sa inyo.Para makabalik ka na sa katawan mo nang magising ka na.Sigurado akong nag-aalala na ang iyong ina."
Saad niya na ikinakunot ko.

"Anong ibig mong sabihin?"
Saad ko naman tsaka niya ako iginiya na lumakad na.

"Katulad ng nakagawiang pangunguha ng mga engkanto..."
Napahinto pa ito dahil sa sinabi.
"Oo nga... ang pangunguha naming mga engkanto ng mga tao,inaalis namin sa katawan niyo ang inyong kaluluwa para iyon ang ipasok sa mundo namin.Mamatay naman kasi ang katawan niyo kalaunan sa aming mundo dahil hindi kayo katulad namin,pwera nalang kung may lahi kang engkanto at makakapasok ka doon."

"So... kaluluwa ko ito ngayon?"

"Oo.Kaya bilisan na natin bago pa may ibang pumasok sa iyong katawan para gamitin sa kasamaan.Maraming mga malignong gumagala ngayon dahil alas dose na ng gabi."

Tila bumalik ang takot sa aking dibdib sa nalaman.Madaming sumasagi sa aking isip na mga negatibo.Gaya nalang ng paano kung pagbalik namin doon eh huli na ang lahat.Paano kung may pumasok na nga sa katawan ko ng tuluyan.

"Xavier,papaalahanin lang kita."
Saad naman ng kapatid niya na nasa tabi na pala namin.Hindi ko man lang ito napansin.Ang dami ko kasing iniisip.
"Kailangan mong paghandaan to.Galit na galit na ngayon ang kaniyang ina.Nararamdaman ko iyon,mukhang may nalaman siyang hindi dapat niya malaman."

Anong ibig niyang sabihin?Alam na kaya ni Mama ang lahat?Sinabi na ba ni Lola? Bumuntong-hininga si Xavier at tumango tsaka pinisil ang nanlalamig kong mga kamay na kaniyang hawak.

"Magiging maayos din ang lahat,Nia.Huwag kang mag-aalala."

Sana nga Xavier....sana nga.

(ITUTULOY)

🌿

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon