Third Stanza

264K 9.5K 1.8K
                                    

Third Stanza

MIA MILLS

"Just watch my wildest dreams come true. Not one of them involving you."

- Paramore, Misery Business


THREE MONTHS LATER

"Patingin ng shade ng lipstick na ginamit mo," sabi sa akin ni Sam---yung Sam na babaeng nakilala ko doon sa go-see three months ago.

Actually, I started calling her Sammie dahil hindi ko talaga kayang banggitin ang name ng leche kong ex. And she agreed saying na ang cute ng name na Sammie.

Nag pout ako sa harapan niya para makita niya ang lipstick na gamit gamit ko.

"Ayan! You're so beautiful na talaga!" masayang sabi niya.

I look at her from head to toe at napangiti ako sa outfit niya.

"You too! You look so beautiful today!"

Napangiti siya then si flipped her hair.

"Of course! At sino pa bang magsasabihan na maganda tayo kundi ang isa't isa? Since wala tayong boyfie na magsasabi niyan."

Napatawa na lang ako habang iiling-iling.

May pictorial na pupuntahan si Sammie. While me? May recording ako ng kanta.

Yes, isang kanta na sinulat para sa akin ni Jarren Reyes.

Three months ago, I passed the audition.

Naalala ko kabadong kabado ako na pumasok doon sa audition room. Apat silang naka-upo sa harapan namin nun. Wala si Sir Ayen kaya naman mas dumoble ang kaba ko.

Or no.

Baka mas ninerbyos ako kung nandoon si Sir Ayen.

Anyway, may isang lalaki doon sa audition room. I think isa sa mga producers. Kahawig na kahawig niya ang leche kong ex kaya naman habang kumakanta ako, nakatitig ako sa kanya at inaalala ko lahat ng ginawa niya sa akin.

Kulang na lang umiyak ako sa harapan nila. Buti napigilan ko ang sarili ko at ibinigay ko na lang sa kanta ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko.

And just like that, I was able to use my heartache para makakuha ng break.

Then during nung anniversary ng company nila, na-invite akong kumanta kasama ang isang banda. Baguhang banda rin yung nakasama ko pero magaling sila. Mas at ease akong nakapag-perform noon kasi mababait yung mga nasa banda na yun at nakatugma ko agad.

Pero dahil doon sa performance na yun, narinig ako nung pinaka boss ng company at sinabihan agad ang mga producers na gusto niyang mag release ako ng kahit isang single muna.

At ang inutusan nilang mag compose ng single ko ay si Sir Ayen.

I cried hard nung sinabi nila sa akin yun. Hanggang paguwi ko iyak ako nang iyak at mukha akong sira.

Si Jarren Reyes, magsusulat ng kanta para sa isang kagaya kong baguhan? Ang laking privilege nun. Isa pa, sobrang idol na idol ko yun.

Sayang lang at hindi ko pa ulit siya nakikita eversince nung encounter namin sa mall. No, actually I saw him once nung nasa studio ako. Kasama niya ang leader ng Endless Miracle nun na si Geo Fernandez. Gusto ko sanang lumapit ulit para mag pa-picture at para magpasalamat sa kanya na sinabi niya sa akin yung about sa go-see na yun, pero nahiya naman ako kasi naalala ko yung mga pinag-gagagawa ko nung last time na nagkita kami.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now