Thirty Second Stanza

219K 8.7K 3.8K
                                    

Thirty Second Stanza

JARREN REYES.

"We're not broken just bent and we can learn to love again."

- Pink, Just Give Me a Reason

Ang saya saya niya. Ang saya saya niya talaga. At kahit natutuwa akong makita na okay na siya, naiinis naman ako sa dahilan nang ikinasisiya niya.

Dinala ko si Mia sa isang Korean BBQ restaurant. Dahil mukhang adik na adik naman siya sa mga Koreano kaya dito ko naisipang kumain. Um-order siya ng maraming samgyeopsal o pork belly kung saan iihawin namin doon sa ihawan na nasa gitna ng lamesa. Bukod doon, umorder pa kami ng Korean ramen. Yung maanghang.

Tuwang tuwa si Mia. Pero mas ikinatuwa niya nung inabot ko yung poster ni Geo sa kanya. Kanina pa siya patawa tawa habang pailing-iling habang tinitignan yung poster.

Kilig na kilig. Wala namang kakilig kilig.

"Bakit may bura sa dedication niya?" ngiting ngiti niyang tanong.

I clear my throat, "ano kasi... Nagkamali siya ng sulat kaya binura na lang."

"Ano ba sinulat niya?"

"Ewan, basta wrong spelling ata kaya binura niya."

"Ah..." sagot niya habang tatango tango at ngiting ngiti pa rin. "Isasabit ko 'to sa kwarto ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng solo poster ni Geo."

Napa-kunot ako ng noo, "mamaya pagawan mo pa nang altar yan, ha."

Nginitian niya ako, "good idea!"

Sinimangutan ko lang siya.

"Pero talagang hiningi mo kay Geo ang poster na 'to para sa'kin?"

"Ano bang ine-expect mo? Na kusa niyang ibingay yan para sa'yo? Wag kang umasa."

Napangiti nang malawak si Mia, "so hiningi mo nga?"

"Ano pa nga ba?"

"Akala ko ba hindi ka naniniwala na gusto ko si Geo?"

Napaiwas ako nang tingin at itnuon ko na lang ang atensyon ko sa iniihaw ko.

"Naniniwala na 'ko sa'yo. Ang saya saya mo ngayon, eh." halos pabulong kong sabi.

"B-buti naman naniniwala ka n-na."

Hindi ko siya sinagot at diretso lang ako sa pag kain ng samgyeopsal na binalot sa lettuce.

Oo na. Sige na. Si Geo na ang gusto niya. Kung hindi ko sasabihin na naniniwala ako sa kanya, araw araw lang niyang ipagdidiinan sa akin yun.

Ayoko na ngang makita, eh.

"S-so what's next?" tanong ni Mia.

"What's next na ano?"

"D-dahil naniniwala ka nang gusto ko si Geo, ano na gagawin mo?"

Pinanliitan ko ng mata si Mia.

Ano bang gusto niyang gawin ko? Magpa-party dahil napatunayan niyang gusto niya si Geo? Ano magsasaya ba ako? Magpapabili ng maraming red horse? Iinom ako magdamag hanggang sa mabaliw ako sa kalasingan?

Nilagyan ko ng samgyeopsal ang plato niya.

"Kumain ka na lang diyan."

"Hindi mo ba 'ko tutulungan kay Geo?"

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now