Twenty Eighth Stanza

224K 8.4K 4.1K
                                    


Twenty Eighth Stanza

JARREN REYES.

"Or maybe I'm confused when you are near me. I don't know what to do or I should be."

- MYMP, A Little Bit

Si Geo ang gusto niya. Si Geo. Okay, edi si Geo!

Nagsisimula na ang meeting namin pero hindi ako makapag concentrate sa pinaguusapan dahil ayan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

Hindi mawala sa isip ko! Kinakabahan ako kay Mia. Tama ba na magustuhan niya si Geo?!

Kung sabagay mabait naman yung ungas na yun. Kung tutuusin, sa EndMira, siya ang pinaka matino. Si Jasper babaero, si Ice menopausal, si William parang palaging merong sapi, ako? Sige na, cute ako pero masyado akong maraming pinagdaraanan sa buhay. Eh si Geo?

Matino yung lokong yun. Gentleman sabi ng mga babaeng fans ng EndMira. Boring siya! Boring.

Nakakagulat lang na maiinlove si Mia doon. Matagal ba akong nawala? Nagkakasama ba sila nung mga panahong nasa isla ako?

Tsaka hindi ko aakalain na ganun ang mga tipong lalake ni Mia. Kung si Jasper Yu pa maiintindihan ko eh. Magka-aura kasi sila ng ex niyang si Sam. Rakistang rakista ang pormahan at kung maglakad akala mo rarampa sa entablado.

Pero si Geo?! Talaga ba?!

Oo na! Kaibigan ko si Geo. Tropa ko yun! Hirap lang talagang paniwalaan. Akala ko iba ang gusto ni Mia, eh.

Akala ko ako.

Oo na! Kapal ng mukha ko sa parteng yun. Pero kasi ang sabi niya ako ang idol niya sa EndMira. Nung nalasing siya, sinabi pa niya sa akin na crush niya ako. Paanong hindi ko maiisip yun?!

Hindi naman sa gusto ko na ako.

Pero... Talaga ba? Si Geo?

Dahil ba bad boy na ang aura ng ungas na yun? Medyo gumaganon ganon ang isang yun ngayon, eh. Paano kasi sawi sa pagibig dahil kay Rika--yung best friend ni Timi na matagal na niyang nililigawan.

Napailing na lang ako.

Yung mag best friend na yun talaga, ang hilig manakit.

Pero yun na nga, malamang sa malamang eh sobrang mahal pa niya si Rika. Mamaya niyan pag nalaman niyang may gusto sa kanya si Mia, gawin lang niyang panakip-butas.

Napatingin ako kay Mia. Seryoso siyang nakatingin at nakikinig doon sa producer na nag p-present sa harap patungkol sa mga plano nila para sa mga new artists.

Nakataas into a messy bun sa tuktok ng ulo niya ang kanyang buhok. May ilang strands ang bumagsak sa may bandang tenga niya. Maganda rin ang porma niya at ayos niya ngayon. Parang ang fresh niya tignan. Blooming?

Dahil ba in love?

Napailing ako.

Hindi, eh. Hindi siya pwedeng maging panakip butas ni Geo. She deserves more than that. Dapat yung mahalin na lang niya ay yung lalaking mahal din siya ng totoo at hindi yung gagawin siyang panakip butas.

Si Geo? Kaibigan ko siya pero nararamdaman kong may mali siyang gagawin kapag nalaman niya ang nararamdaman ni Mia sa kanya.

Kaya hindi niya dapat malaman ang nararamdaman ni Mia.

Hindi talaga!

"May problema ba Ayen?" tanong nung producer sa akin.

Nabaling agad ang atensyon ko sa kanila at napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin---even Mia.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now