Eleventh Stanza

234K 8.5K 1.5K
                                    

Eleventh Stanza

JARREN REYES.

"I shouldn't love you, but I want to, I just can't turn away. I shouldn't see you, but I can't move. I can't look away."

- Jesse McCartney, Just So You Know

"Hay naku, you're here again. Ang haba na nang listahan ng utang mo sa akin, ha, Jarren Reyes!" sabi ni Timi nang makita niya akong papasok ng kitchen ng restaurant niya.

Nakita kong may buhat buhat siyang isang malaking container ng mga gulay. Agad kong kinuha ito sa kamay niya at ako ang nagbuhat.

"Saan 'to dadalhin?"

"Sa cold storage na lang."

Sinundan ko siya papasok sa cold storage at agad naman nag fog yung salamin na suot ko dahil sa sobrang lamig. Inalis ito ni Timi at pinunasan gamit ang apron na nakatali sa bewang niya. Inilapag ko naman yung container na buhat buhat ko doon sa shelf na tinuro niya.

"Kaya mo ba ako tinutulungan kasi gusto mo na naman makalibre nang pagkain?" tanong niya habang isinusuot ulit sa akin ang salamin ko.

Nginitian ko si Timi, "parang ganun na nga."

She rolled her eyes at me at may kinuha siya sa bulsa niya na inabot niya sa akin.

"Ayan, candy, kainin mo."

"Ayun oh! Thanks, Timi! You're the best!" masigla kong sabi as kanya.

Napangiti na rin siya habang tatawa-tawa, "ewan ko sa'yo Ayen. Ang babaw nang kaligayahan mo. Ang dali mong pasiyahin!"

Napatawa na lang din ako sa sinabi niya.

Kung alam mo lang, Timi. Kung alam mo lang.

"So bakit ka nga nandito?" tanong ulit niya habang may hinahanap sa shelf na nasa harapan namin.

"Wala nga lang, napadaan lang," dahil gusto kitang makita. "Ikaw, kumusta ka naman? Masyado ka na atang na b-busy sa restaurant mo."

"Kasi nalulugi ako dahil sa'yo."

"Okay lang, ine-endorse ka naman ng EndMira kaya ang dami dami mong customers palagi."

Napatawa si Timi then biglang sumeryoso ang expression ng mukha niya.

"Ayen?"

"Yes?"

"About Ice..."

Napaiwas ako nang tingin bigla sa kanya.

Mabanggit pa lang niya ang pangalan na yun, parang gusto ko na lang maglaho na parang bula.

Si Ice. Ang lalaking mahal niya.

"What about him?" tanong ko, trying to sound casual.

"Uhmm, you think... You think, seryoso siya sa akin? I mean, alam mo naman yung ginawa niya sa akin dati, 'di ba? Should I give him another chance?"

Hindi ako nakaimik agad. Hindi ako makasagot. Nagtatalo ang isip ko. Alam kong seryoso sa kanya si Ice. Alam kong mahal siya ni Ice. At alam na alam kong aalagaan siya nito.

Pero hindi ko magawang maamin kay Timi kasi masakit. Dahil alam ko the moment na ma-realize niya ang mga bagay na yun, tuluyan na akong mawawalan nang pag-asa.

Minsan hinihiling ko, sana hindi na lang niya ako naging kaibigan para hindi niya ako hinihingan nang advice. Masyadong masakit, eh.

"Mahal mo ba?" tanong ko sa kanya.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now