Seventh Stanza

234K 9K 3.3K
                                    

Seventh Stanza

JARREN REYES

"Don't it always seem to go that you don't know what you got till it's gone?"

- Counting Crows, Big Yellow Taxi


She's trembling. Hindi siya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko ang kaba niya habang nag-lalakad kami papunta sa recording room kung saan ngayon naka-tambay ang EndMira.

She's smiling from ear to ear but still, halata kong she's just forcing herself to smile.

I sighed.

Hay naku.

Huminto ako sa paglalakad at pumunta ako sa harapan ni Mia. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at tinignan ko siya ng diretso sa mata.

Agad siyang napayuko at iniwas ang tingin sa akin.

"Look at me. Kung ako pa lang, hindi mo na matignan, paano mo pa magagawang tignan ang ibang members ng EndMira? I'm telling you, their presence is more intimidating than mine. Lalo na si Ice. Kaya kung sa akin pa lang kinakabahan ka na, what more kung sila na ang kaharap mo?"

"P-pero sir, iba ka kasi..."

"Iba? Paanong iba?" I asked her, confused.

Umiling si Mia and she forced herself to look at me.

She's blushing.

Dahil ba nahihiya siya sa akin? O dahil sa kaba niya sa EndMira?

Medyo dumistansya ako sa kanya dahil napansin kong ang lapit ko na pala sa kanya and I might envading her private space. I heard her sigh a relief nung medyo dumistansya ako.

"Sorry, did I made you feel awkward?"

"H-h-hindi po!" natataranta niyang sagot sa akin.

Tumango lang ako.

She's way too kind.

Pero sana mas maging matapang siya. Hindi biro itong mundo na gusto niyang pasukin ngayon. At yung masyadong mabait, nasasamantala.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng recording room at tinignan ko ulit si Mia. Nakayuko na naman siya and this time, kitang kita na ang kaba sa mukha niya.

"Mia, they are not going to eat you. They may be intimidating pero mababait yang mga yan."

Napalunok si Mia at tumango siya.

"Ready?"

"R-ready.."

Kumatok ako at binuksan ko ang pintuan.

"Ayen!!! Ano na? Ang tagal mong dumating! Nambabae ka pa ata!" pambungad na bati sa akin ni Jasper.

"Ginaya mo pa 'ko sa'yo."

"Kanina pa namin pinaguusapan ang hiwaga ng lipstick mark sa dibdib ng puting polo mo. Paano napunta yun dun? Sino ang babaeng gumawa nun?" nakangisi niyang sabi.

Natigilan ako. I saw Mia stiffened beside me and her face became a deeper shade of red.

Gugulpihin ko si Jasper Yu mamaya.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon