Eighth Stanza

237K 9.4K 5.7K
                                    

Eighth Stanza

MIA MILLS

"You've got every right to a beautiful life."

- Selena Gomez, Who Says

Hinga malalim.

Relax, Mia. Pigilan ang sarili. Poker face lang. Kunyari wala lang sa'yo 'to. Kunyari keber lang na kasama mo si Jarren Reyes sa loob ng isang kotse na kahit hindi ito kasing ganda ng kotse ni Sam, at least, comfortable ka.

Wag kang ngingiti at wag mong ipahalata sa kanya na malapit ka nang mangisay sa kilig.

Enebenemenkeseeh!

"Mia, okay lang ba sa'yo na Pinoy food ang dinner natin?"

I blinked at nginitian ko siya.

"S-sure po! Sige po! Okay lang po! Mahilig ako sa Pinoy food!"

Hindi ka naman masyadong eager na eager niyan?

Ngumiti si Sir Ayen habang nakapako pa rin ang tingin niya sa daan.

"Great. I know a perfect place na masarap mag luto ng lutong bahay."

I bit my lower lip.

Shit. Lutong bahay? Ibig sabihin...dadalhin ba niya ako sa bahay nila? Meet the parents na ba? Ang bilis naman! Pwede bang ma-get to know each other muna namin ang isa't-isa?

Ano ba, Mia! Tumigil sa kaharutan. Behave.

Napatingin ako sa labas ng bintana at napangiti na lang ako.

But I think I deserve to be happy. Even if it's just for one night.

~*~

"And, we're here!" masayang sabi ni Sir Ayen.

Napangiti ako nang makita ko kung saan ako dinala ni Sir Ayen. Hindi man ito sa bahay nila, pero hindi ko makuhang ma-disappoint kasi dinala niya ako sa isang overlooking na restaurant dito sa Antipolo.

Pumwesto na kami ni Sir Ayen sa isa sa mga tables doon. Kung saan tanaw na tanaw city lights mula sa lugar namin. After that, nilapitan kami nung waiter para kunin ang order namin.

"What's your order, Mia? Yung mga servings dito, usually for sharing. Tell me what you want, ayun ang kakainin natin."

"Ahmm.. kayo na lang po pumili. Libre niyo naman."

"Eh dali na, pumili ka na. Anong gusto mo?"

Tumingin ako sa menu. Sa totoo lang ang dami kong gusto pero kasi mamaya hindi naman gusto ni Sir Ayen? Hindi ko naman alam ang mga hilig niya.

Then nakita ko yung favorite kong dynamite sa menu.

Tinignan ko si Sir Ayen, "uhmm, sir, kumakain po ba kayo ng dynamite?"

"Dynamite? Oo naman. Masarap pampulutan yun. Order tayo?"

Tumango ako, "opo, kahit ayun lang po masaya na ako. And water lang ang drinks."

"Sure ka ayun lang gusto mo?"

"O-opo. Kayo na po bahala sa iba."

"Okay, if you say so," nilingon ni Sir Ayen yung waiter, "Isang order ny dynamite. For sharing naman 'tong sinigang na hipon, right? Gusto mo ba ng sinigang na hipon, Mia?"

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now