Thirteenth Stanza

238K 8.7K 3K
                                    


Thirteenth Stanza

MIA MILLS.

"This isn't a love song. No, it's more like a plea."

- Leanne & Naara, Again

First rehearsal with EndMira. Dapat excited ako. Dapat kinikilig na ako ngayon at halos mag palpitate na. Dream come true, eh. Kahit front act lang ako sa gig nila bukas, iba pa rin yung makakasama ko silang mag rehearse.

I should be happy. Ang aga ko nga eh. Two hours early ako. Pero hindi ko magawang umakyat. Nandito lang ako sa coffee shop at nagpapalipas ng oras at kabadong kabado ako. Parang gusto ko nang umuwi.

Sinasabi ko sa sarili ko na nakakatakot nga naman mapahiya sa harap ng mga idol mo. But I know deep inside that's not the reason.

Kinakabahan ako kay Sir Ayen.

Hindi maganda yung huling paguusap namin. I don't know what the hell I'm thinking when I asked him to play for me.

I was so down. I feel so lonely. I must be so desperate para mag request sa kanya nun. At alam kong out of place ang paghiling ko sa kanya na tugtugan ako.

But still, it hurts me when he turned me down.

Nakakahiya na nakakafrustrate.

Yes, mabait na siya sa akin ngayon. He's a perfect gentleman. Pero ramdam na ramdam ko ang pag f-feeling ko nung ni-request ko sa kanya yun at tinanggihan niya ako.

Parang isinampal sa akin na hindi porket mabait sa'yo ang isang tao ay concern na siya sa'yo at may paki siya sa kung anong nararamdaman mo.

At shit, Mia. Anong karapatan mong mag demand na maging concern sa'yo si Sir Ayen? Sino ka ba sa buhay niya?

Napabuntong-hininga ako.

Nakakainis naman. Kung kelan namang okay na kaming dalawa tsaka pa ako gagawa ulit ng bagay na ikakasira ko sa kanya.

Diretso kong ininom ang mint blend tea na nasa harapan ko at bigla naman napaso ang dila ko.

"Aw."

"Ayan! Hindi nagiingat!"

Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita and I saw Jasper Yu smiling widely at me.

"Hi Mia!"

"Jasper..."

Naupo siya sa tapat ko, "ang aga mo ah?"

Napangiti ako, "medyo excited po."

"Nag handa ka ba ng magandang kanta para sa'min? Mukhang tutok na tutok si Ayen sa pag pa-practice sa'yo ah?" he gave me a playful smile at napangiti rin ako sa kanya.

And I want it be a kind smile pero parang hindi ko rin magawang ma-iangat man lang

"Oh? Bakit ganyan ang ngiti mo?" Tanong niya. "Pinapahirapan ka ba ni Ayen?"

"Hindi naman po. Hindi. H-he's actually very helpful to me."

"Weh? Sus, I know Ayen. Mahigpit yan pagdating sa pagtuturo. May isa na ngang napa-quit nung siya ang nag train."

Nanlaki ang mga mata ko, "t-talaga po?"

Ngumisi si Jasper, "oo! Mukha lang mabait yun pero masungit yun. Ako pa rin ang pinaka mabait at friendly sa EndMira! Pero pansin ko rin naman mabait siya sa'yo. Siguro dahil babae ka at maganda."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now