Tenth Stanza

245K 8.2K 2.3K
                                    

Tenth Stanza

MIA MILLS.

"I don't want to fall to pieces, I just want to sit and stare at you."

- Avril Lavigne, Fall to Pieces


"Talagang nilabhan mo pa nang husto ang mga panyong 'yan bago mo ibalik? At bonggabells, pina-plantsa mo pa!" sabi ni Sammie habang nakataas ang kilay na pinapanuod ako habang pinaplantsa ko ang tatlong panyo na pinahiram sa akin ni Sir Ayen.

"Eh nahuli na niya ako rito. Inasar-asar pa niya ako. Edi ibabalik ko na sa kanya."

"Ibabalik mo nang mabangong mabango ang mga panyo."

"Of course. Nakakahiya naman kung ibabalik ko nang mukhang dugyot?"

Napangiti si Sammie, "ikaw friend, tell me the truth. Are you like, falling in love with him na ba?"

Muntikan na akong mapaso sa plantsa dahil sa tanong ni Sammie. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Loka loka, hindi. Allergic pa ako diyan kaya hanggang crush lang muna ako. Tsaka matagal ko na namang crush si Sir Ayen even before pa bago niya malamang nag e-exist ako sa mundong 'to."

Isa pa, pagbali-baliktarin ko man ang sitwasyon, mahal ko pa rin talaga siya.

"Okay na yan girl! More than three months na kayong break ni Sam gago kaya gora ka na. Pogi naman si Sir Ayen mo."

Napangiti ako kasi naalala ko na naman yung bonding namin ni Sir Ayen last week. Nung nag dinner kami, nalasing ako, dinala niya ako sa bahay nila. Ang dami kong kahihiyang naranasan but still, nangingibabaw pa rin ang kilig. Kasi naman, ang bait ni Sir Ayen sa akin. Ang gentleman niya. Tapos ang galing niya pang mag-pagaan ng loob. Tapos ngingiti pa siya sa akin eh ang pogi niya lalo kapag ngumingiti. Kinikilig tuloy ako.

Crush ko talaga siya, sobra. Pero feeling ko mababali ang panata kong wag ma-in love kahit kanino kapag tinugtugan ako ng gitara ni Sir Ayen. Yun talaga. Mamamatay ako sa kakiligan pag tumugtog ulit siya nang gitara.

"Earth to Miaaaaaa! Hala siya, nag fly away na naman ang mind niya."

Napabalik ang atensyon ko kay Sammie na naka-kunot na ang noo sa harapan ko.

"Ang sabi ko, are you going to eat dinner ba dito? Para alam ko kung idadamay na kita pag nagluto ako."

"Ha? Ah, hindi, hindi na. Baka sa labas na lang ako mag dinner."

"Sus. You mean to say, you're expecting na sabay kayo mag d-dinner ni Prince Ayen mo."

Napailing na lang ako pero di ko maiwasan mapangiti, "ewan ko sa'yo, Sammie."

"Ewan ko rin sa'yo, Mia. Tigilan mo na ang kaka-plantsa mo sa panyo na yan. Malapit nang numipis yan."

Hinugot ni Sammie sa pagkakasaksak yung plantsa at nginitian ako.

"What if, yung hair mo na lang ang i-plantsa ko? You want?" tanong niya.

"Hmmm, kung i-curl mo kaya?"

"Bongga! Tara aayusan kita para maganda ka sa practice niyo mamaya ni Sir Ayen."

Excited akong sumunod kay Sammie papasok sa room niya.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now