Last Stanza

256K 11.9K 7.9K
                                    

Last Stanza

(Epilogue)

THREE YEARS LATER

"We are so broken we created a sad sonnet. Is there a chance to turn this broken melody into a happy love song?"

- Mia Mills, Broken Melody

MIA MILLS

"Where are you?" my dad asked me from the other side of the line.

Napatingin ako sa bintana ng kotse na sinasakyan ko. Para bang nag mistulang parking lot ang kahabaan ng EDSA. Sala-salabit ang mga sasakyan. May mga motorist na wala nang ibang ginawa kundi ang bumusina. Medyo nakakairita ang tunog ng busina nila. Wala naman kasi itong naitutulong sa daloy ng trapiko. But maybe it's their way of releasing their irritation.

Napatingin ako sa wrist watch ko. It's already five in the afternoon.

"I'm still on the road, dad. Traffic."

"That's why I told you to leave earlier! It's Friday payday!"

Medyo napangiti ako, "chill, dad. I'll be there on time."

Narinig ko ang pag buntong-hininga niya mula sa kabilang linya. I can feel na kabado na siya.

"Today's a big day, Mia."

"I know, dad. I know."

"Okay, just text me if you already arrived."

"I will."

"Take care."

"Ah--wait dad!"

"Hmm?"

"Thank you...for being here with me today."

Hindi agad nakapag salita si dad but I can feel na nakangiti siya ngayon.

"I am so proud of you," huling sinabi niya before he ended the call.

Napangiti ako sa sinabi ni daddy. Three years ago, akala ko never ko nang maririnig sa kanya ang mga salitang yun. Akala ko habang buhay na niya akong hindi magagawang suportahan. I thought, hinding hindi na maayos ang relasyon namin.

Pero siya ang unang lumapit. Siya ang unang nagpakumbaba. And I promised myself I'll do everything to make him proud.

Muli akong tumingin sa labas ng bintana. Medyo humupa na ang traffic. Kahit papaano ay nakakausad na rin kami.

Bigla kaming napadaan sa isang malaking billboard. Isang billboard kung saan nandoon ang mukha ni Sammie. Very classy ang itsura niya with her red dress and red lipstick. Sa kamay niya, she's holding a bottle of beer. 'Yung product na pinopromote niya ngayon. Red Horse.

Ibang klase na rin kasi ang beshie ko na 'to. Hindi na lang siya basta isang sikat na model, she also became an actress---and a promising one. Pinatunayan niya sa mundo na she's more than just a pretty face. And I am so proud of her dahil na-witness ko kung paano siya nag hirap para lang makarating sa kinalulugaran niya. All those sleepless nights at lahat ng bagay na iniyakan niya. That's why alam kong sobrang deserve niya ito.

I snap a photo of her billboard at agad kong sinend sa messenger niya at sinamahan ko ng message: "Hanggang billboard lasinggera pa rin?"

Maya maya lang, nag send din sa akin ng photo si Sammie. Selfie niya habang hawak hawak ang poster ko with message: "Paano kasi yung babaeng nasa poster ayaw akong samahan uminom ng RED HORSE."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now