Twenty Seventh Stanza

218K 8.5K 3.8K
                                    

Twenty Seventh Stanza

JARREN REYES

"You get under my skin, more than anyone's ever been."

- Hailee Steinfeld, Rock Bottom

May nagugustuhan siya. Okay, may nagugustuhan siya. Sino naman kaya? Panigurado kilala ko 'yan, eh. Imposibleng hindi. Nung tinanong ko siya kung kilala ko yung nagugustuhan niya, bigla siyang nautal. Tapos yung pag-iwas pa ng tingin niya sa akin. Halatang halata na nag sisinungaling siya!

So kilala ko yung gusto niya. Pero bakit ayaw naman niyang sabihin? Alam naman niyang hindi ko ipagkakalat at tutulungan ko pa siya. Siguro medyo aasar-asarin ko siya pero hindi ko naman siya ilalaglag.

Ang init agad ng ulo niya kanina. Nagtatanong lang ako, nairita na agad siya. Sinigawan niya ako at nag walk out pa palabas ng kotse ko. Matapos ko siyang ilibre ng dinner at red horse! Kalahating bote pa lang ang naiinom nya nun kaya sigurado akong hindi siya lasing!

Come to think of it, kahit doon sa photoshoot ang sungit sungit niya sa akin. Ilang beses niya akong inismiran nun. Isang buwan kaming hindi nag kita tapos ang sungit na niya agad. Parang iritable siya sa akin. May nagawa ba 'ko sa kanya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Mia. Unang ring pa lang, sinagot na niya ang tawag ko.

Napangiti ako.

"Hi Mia!" masigla kong sabi.

"Oh? Bakit po?" cold niyang tanong.

"Galit ka pa rin sa'kin?" tanong ko.

"Hindi po ako galit!"

Napataas ang kilay ko.

"Eh ba't ang sungit mo ngayon?"

"Hindi po ako masungit!"

"Eh ba't nagtataas ka sa akin ng boses?"

"Normal ko po 'tong ganto!" iritable niyang sabi. "Ba't ka po ba kasi tumawag?"

Natigilan ako.

Oo nga, ba't nga ba ako tumawag sa kanya? Wala naman akong sasabihin. Ano bang pumapasok sa isip ko?

"W-wala. Gusto ko lang i-check kung hindi ka na galit sa'kin."

"Hindi nga po sabi ako galit sa'yo!"

"Eh kasi kanina mo pa ako sinusungitan. Doon pa lang sa photoshoot iniismiran mo na 'ko---"

"Hindi kita iniismiran, ha!"

"Oo kaya! Hindi mo lang nahahalata pero ilang beses kitang nahuli na iniirapan ako. Ba't ka ba iritable sa'kin? May nagawa ba 'ko?"

"Hindi naman ako iritable sa'yo ah! At hindi nga kasi ako galit!"

"Eh ba't naninigaw ka?"

"Kasi nakakainis ka! Pinagpipilitan mong galit ako sa'yo kahit hindi naman! Tapos tatawag ka lang para mambwisit, at mangulit at ipagpilitan na galit ako! Natutulog na ko eh! Ngayon, naiinis na talaga ako kasi ang kulit kulit mo! Sige na, bye!"

And she ended the call.

Ayun ba ang hindi galit? Eh iritang irita siya? Bakit kasi ayaw na lang niyang sabihin ang ikinaiinis niya? Mukha ba akong manghuhula?

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now