Seventeenth Stanza

234K 8.7K 6.9K
                                    

Seventeenth Stanza

JARREN REYES

"I listen to sad songs, singing about love, and where it goes wrong."

- Ed Sheeran, One


"Sir Ayen, pansin ko lang po ang dami mong alam na kainan," sabi sa akin ni Mia habang iniikot niya ang tingin sa Japanese restaurant kung saan ko siya dinala.

The receptionist lead us in the far end corner of the restaurant. Tabi nang bintana kung saan tanaw ang city lights.

"Mukha pong mamahalin dito. Hindi po ba nakakahiya na dito niyo pa 'ko ililibre. Masaya na 'ko sa Jollibee," biro niya.

"Hindi yan! Basta um-order ka lang!" sabi ko habang inaabot sa kanya nung receptionist yung isang menu.

"Ang mahal nga, sir!" sabi niya habang tumitingin sa menu.

"Don'y worry, I got this," naka-ngiti kong sabi sa kanya.

Buti na lang nadamay ako sa membership ng EndMira sa restaurant na 'to kaya may fifty percent discount ako. Pero syempre nakakahiya naman aminin kay Mia yun. Gustuhin ko man siya ilibre sa ibang lugar, ang kaso 'di pa ako bayad doon sa mga bagong kantang ginawa ko.

Ang hirap kumita ng pera.

Syempre yung kinikita ko, hindi kasing laki ng kinikita ng EndMira. Isa pa may pinagaaral akong dalawang pamangkin.

Kaya sorry Mia, babawi na lang ako sa'yo next time.

Maya maya lang, may lumapit na waitress para kunin ang order namin. Mia ordered ramen habang ako naman ay yung set menu nila na gyu don with side dish na. I also ordered one bottle of sake—yung Japanese wine.

"Iinom ka?" tanong ni Mia.

"Iinom tayong dalawa. Kailangan nating mag celebrate."

"Nang ano?" she asked.

Nang pagkanta mo kahit pinapaalis ka nila. Nang pagharap mo kay Sam kahit sobra kang nasaktan.

"Wala lang."

"Di ko po feel uminom ngayon."

"Nasa Japanese restaurant ka at sa tradition nila, pag tumanggi ka kapag may nag offer sa'yo ng sake, sign ng rudeness yun. Kaya umayos ka."

Napangiti siya, "opo sir. Sige na."

"Good."

Sa totoo lang, wala sa plano ko ang uminom. Kaya lang mula nang sunduin ko siya sa apartment niya hanggang sa makarating kami rito, she's acting so---normal. At kung hindi ko alam ang nangyari kanina, malamang iisipin ko wala siyang problema.

At hindi ko na alam kung paano ko ibi-bring up sa kanya ang mga nangyari. Hindi ko alam kung saan magsisimula. I just want her to feel better and I have no idea how.

Nung inilapag na sa harapan namin ang bote ng sake, parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil parang may mali ata akong nagawa.

Bakit nga ba sake ang in-order ko para pagaangin ang loob ni Mia?! Masyado ba akong nasanay na puro mga lalaki ina-advice-an ko at nadadaan naman sa inuman ang mga sawing puso nila?!

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now