Sixteenth Stanza

212K 8.5K 1.4K
                                    


Sixteenth Stanza

JARREN REYES

"Lights will guide you home and ignite your bones. And I will try to fix you."

- Coldplay, Fix You


I heard everything.

Lahat ng pinagusapan ni Mia at Sam. Lahat ng sinabi ni Sam kay Mia. And the whole time I was listening, gustong gusto ko nang lumabas at hilahin paalis si Mia.

Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong kailangan nilang mag-usap dalawa. Alam kong kailangang harapin 'to ni Mia at hindi ako pwedeng makielam sa kanya.

Nakita ko siyang umalis. She's keeping a straight face at hindi siya umiiyak. I want to follow her but I know she needs to be alone so I gave her space.

Tinignan ko si Sam na nasa backstage. Naka-upo siya sa monoblock chair habang nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niya.

Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya.

Inangat niya ang tingin niya sa akin.

"Narinig mo?" tanong niya.

Tumango lang ako.

"I did what I can. I did my best para alagaan siya, pero may hangganan din ako. At mas mabuti na 'to. Mas mabuti nang naghiwalay kami. Kung hindi ko 'to ginawa, hindi siya matututong tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya tama na rin 'to."

Napakuyom ang kamay ko at pakiramdam ko, gusto kong manapak ngayon.

Huminga ako nang malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Ilang taon nga ulit kayo ni Mia?"

Medyo nagtaka siya sa tanong ko pero sinagot pa rin niya ito, "three years."

Tumango ako.

"You know her past?"

Hindi umimik si Sam and he look so guilty.

"You know how badly she got bullied in high school?" tanong ko ulit.

Hindi pa rin siya sumagot.

"Isang simpleng insidente na nagkapatong patong. Isang simpleng kahihiyan na nauwi sa mas malalang bagay na naka-apekto nang husto sa kanya. Mia got traumatized. At ang trauma na ay hindi lang basta basta trauma. Hindi lang yun basta basta dahil weak siya o matatakutin siya o madali siyang kabahan. Alam mo yung trauma na naka cause sa kanya is a serious mental illness to the point na kinailangan niya rin pumunta sa isang psychologist. You know that, Sam?"

"Pero may buhay rin ako!" inis na sabi ni Sam. "At nasakal ako sa kanya!"

"Oo. Maaring tama ka. Naiitindihan kita. Pero yung mga sinabi mo kanina kay Mia, parang siya lang lahat ang may mali. Napaka simple lang nung pinagdadaanan niya at pinabibigat lang niya lahat. Alam mo ang kalagayan niya and yet, ginawa mo yan."

"Hindi mo naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko!"

Umiling ako, "you said you loved her. Pero duwag ka nga talaga. Bakit pinaabot mo sa puntong nasasakal ka na? Pwedeng ayusin yun kung umpisa pa lang, nagpakatotoo ka na sa kanya. Dahil akala niya, ayos lang sa'yo ang lahat. Hindi ka umiimik na napipilitan ka na lang. Tapos bigla mo siyang iiwan? Maaring may mali siya, pero hindi lang siya ang may mali. Sa inyong dalawa, mas gago ka."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon