Forty Second Stanza

192K 7.8K 1.2K
                                    


Forty Second Stanza

JARREN REYES

"You can't play on broken strings. You can't feel anything that your heart don't want to feel."

- James Morrison feat Nelly Furtado, Broken Strings

Hindi ito pwedeng maging totoo. Hindi. Hindi pwede.

Ayan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nagmamaneho ako palayo.

Si Mia? Siya?

Hindi pwede.

Please. Iba na lang. Ibang tao na lang. Kahit sino, basta wag si Mia. Wag siya. Hindi pwedeng maging si Mia.

Kung ibang tao, mas madaling magalit. Mas madali akong makakausad. Mas madali akong makakaiwas. Mas kaya ko silang tanggalin sa buhay ko. Mas kaya kong kalimutan.

Pero si Mia?

Bigla kong inihinto ang kotse ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela. Hindi ako makahinga. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader. Paulit ulit. Hanggang sa magising ako.

Panaginip lang 'to, hindi ba?

Napahawak ang sa dibdib ko.

Naninikip. Halos wala nang hangin na lumalabas.

Bakit ang sakit sakit?

Akala ko wala na akong hindi mahaharap sa dami nang pinagdaanan ko.

Ang hirap na dinanas ko sa pamilya ko.

Ang sakit na naramdaman ko dahil sa unang babaeng minahal ko.

Ang biglaang pag-guho ng pangarap ko.

Ang masasakit na karananasan na yun, akala ko wala nang mas lalala doon.

Pero ito... itong nangyari ngayon. Higit pa 'to sa lahat ng naranasan ko.

Bakit si Mia pa? Bakit kailangan siya pa?

Huminga ulit ako nang malalim at sinubukang pa-kalmahin ang sarili ko. Gulong gulo ako pero sinubukan kong mag isip ng diretso.

Kailangan kong umalis.

Nagmaneho ako papunta sa HQ.

~*~

Nang makarating ako sa headquarters ng EndMira, ang daming tao doon. Kumpleto sila. Ang EndMira. Nandoon din si Timi. Masaya silang nagtatawanan at nagkukwentuhan.

Marahan akong pumasok sa loob ng HQ pero hindi pa rin ako nakaligtas sa mga tingin nila.

"Ayan na si Ayen m'boy!" bati ni Jasper at inakbayan ako. "Magdamag na kasama si Mia!"

"Why the long face, Ayen?" tanong naman ni Timi.

"Nag away kayo ni Mia 'no?" tanong naman ni Geo.

"Naku naku! LQ agad?" pagbibiro naman William at nagtawanan silang lahat

Hindi ako umimik. Hindi ko masagot ang tanong nila at hindi ko rin sila magawang tignan pare-pareho.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora