Thirty Sixth Stanza

200K 9.7K 4.2K
                                    

Thirty Sixth Stanza

JARREN REYES

"Nais ko ay malaman mo na mahal kita."

- True Faith, Dahil Ikaw

"Hindi masama, Mia....Kasi totoo naman, eh. I'm in love with you."

Katahimikan. Ayan ang nakuha kong sagot mula kay Mia. Hindi siya umimik. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nag salita ako ng ibang lenggwaheng hindi niya maintindihan.

Napaiwas na lang ako nang tingin.

Shit. Eto na nga ba ang ikinakatakot ko. Sabi na, eh. Dapat hindi ako nagpapadalos dalos sa ganitong mga bagay.

Ang tagal ko nang gustong umamin sa kanya. Bago pa siya pumunta doon sa camp, gustong gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero lagi akong napapaisip sa kung ano ang magiging reaksyon niya.

No. I'm not scared to get rejected. If she doesn't love me then I'll respect that. At alam ko naman kung i-re-reject niya ako, hihingi ako ng chance sa kanya na patunayan ang sarili ko. Na baka pwede rin niyang buksan ang puso niya para sa akin.

Pero hindi yun ang iniisip ko, eh.

Ang iniisip ko ay kung ano ang magiging epekto ng pag-amin ko kay Mia. Alam kong ang atensyon niya ay nasa competition. Ayokong ma distract siya sa akin dahil alam ko kung gaano ka-importante ang competition na 'to para sa kanya. Ayokong mang agaw ng eksena.

Pero kung hindi ngayon, kelan pa ako aamin?

"I'm sorry..." mahina kong sabi sa kanya. "A-alam kong wrong timing ako. Hindi dapat ako nagtapat sa'yo ngayon. Pero kasi Mia...parang sasabog na ang puso ko dahil sa nararamdaman ko. I'm in love with you at ayoko nang itago 'to."

Hindi pa rin siya umimik. Nanatili siyang nakatulala sa harapan ko.

Napabuntong hininga ako.

"Mia, h-hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo, lalo na ngayon na focus ka sa competition. Don't worry, I won't demand anything from you. Walang magbabago sa atin, promise yan. Gusto kong mag focus ka rin muna sa competition. P-pero sana...ngayon na nag m-move on ka na kay Geo...p-pag hindi ka na busy o siguro after ng competitiom, maisipan mo s-sana na, alam mo na...lumingon sa akin? B-baka pwede mo akong bigyan ng chance?"

Mia swayed at muntikan na siyang matumba kaya naman napahawak siya sa railings ng veranda bilang support. Ako naman, napalapit agad sa kanya but I'm too scared to ever touch her. Baka kasi bigla niyang tabingin ang kamay ko.

Napahawak siya sa noo niya.

"Grabe. Palusot lang yung kanina na lasing ako pero bakit ngayon pakiramdam ko nga, lasing na talaga ako? Totoo pa ba 'tong naririnig ko?" sabi niya.

Marahan ko siyang hinila papalayo sa may railings ng veranda at inalalayan ko siya paupo sa bench.

"Mia...." tumabi ako sa kanya.

"Bakit pakiramdam ko hindi totoo ang mga naririnig ko?"

Napaiwas ako nang tingin sa kanya.

In denial. Ayaw niyang tanggapin.

"Okay lang Mia. Okay lang na kalimutan mo muna ang sinabi ko. Tsaka mo na lang i-absorb pag handa ka na."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon