4✓ IT'S FREE TO KILL

4.2K 171 13
                                    

Riyana's POV

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.


Riyana's POV

Isang oras na ang nakalipas pero wala paring dumarating na guro sa silid namin. Tahimik lang din kami simula nung makaalis ang sinabi nilang Pres.

'Sya ba ang Presidente ng buong council? Bakit parang lahat sila ay takot sa kanya?'

~Few minutes Later~

Isang babae na may mahabang buhok ang pumasok sa silid namin na may dalang aklat. Mukhang eto na yung Prof namin.

"Good Morning?" casual na tanong nya. Wala manlang ni isang bumati sa kanya kaya ako na ang sumagot.

"Good Morning ma'am" nakangiting sabi ko pero tinaasan nya lamang ako ng kilay.

"Newbies" she said and smirk.

"Y-yes ma'am" napapalunok na wika ko. Hindi nya ako sinagot at umupo na sa lamesa nya. Inilibot nya ang kanyang mga mata samin at nagsalita "All of you standup" kinabahan agad ako nang lahat kami ay pinapatayo nya pero kaming anim lang nila Lian ang tumayo at ang iba ay parang walang narinig. Ramdam ko ang kamay ni Lian na humawak sa kamay ko. Anlamig ng sa kanya.

"Anim lang ba ang studyante ko?" Malakas na sinipa ng teacher namin yung lamesa dahilan para mataob ito.

'Babae pa sya sa lagay na yan.'

Ang iba naming mga kaklase ay nagsitayuan ng mabilis habang ang iba naman ay nakaramdam ng takot gaya namin.

"You Stand Up" turo nya sa isang babae na may malaking salamin .. Pero parang walang narinig yung babae at patuloy parin na nakaupo.

"Talagang hindi ka tatayo?" Inis na tanong nung prof namin at lumapit dito "alam mo ikaw wala na ngang laman yang utak mo, ang tanga mo pa hindi mo ba ako narinig?" Idinuro-duro sya sa ulo nung prof. Hanggang sa tumayo ang babae na may malaking salamin at hinawakan yung kamay nang Prof. namin. Nagulat ako sa ginawa nya kaya napaatras ako.

"Hindi ko alam kung ano ang rule sa larong ito. Pero isa lang ang nasisigurado ko" naglabas ng kutsilyo ang kaklase naming babae at walang anumang tinusok iyun sa dibdib ng prof. Halos mawalan ako ng balanse sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nya. "Lahat tayo ay pwedeng kumitil ng buhay." wika nya.. hinugot nya ang kutsilyo at tinusok ulit iyun sa dibdib nang Prof namin. Walang ni isa ang naglakas loob magsalita. Hanggang sa unti-unti ng binawian ng buhay yung prof at humandusay sa sahig.

"Sawang-sawa na ako sa bunganga mo ma'am Takahata. Ako nalang kasi lagi ang nakikita mo" wika nung babae at nagpunas ng kamay nyang may talsik ng dugo.

*smirk*

"Buti naman may naglakas loob nang patayin yang babaeng yan" isang ngisi ang sumilay sa labi ni Samantha, yung kaninang babae na tumutok din sakin ng kutsilyo.

Halos hindi ko madigest ang mga nangyayare sa paligid, ayaw mag sink in sa utak ko. Ano bang lugar 'to? Ano ba 'tong pinasok namin? Lahat sila ay Nakangising demonyo. Halimaw.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Shit"

"Riyana"

"Why are you crying?"

"Are you okay Riyana?" Si Sarah.

Hindi ko magawang sagutin ang mga tanong nila dahil ang paningin ko ay nakatutok sa nakabulagtang bangkay ng prof namin.

"Umalis muna tayo dito" wika ni Lian at saka hinatak ang kamay ko palabas. Pero Paglabas namin ay bumungad si Miss Griffin na may ngisi sa kanyang labi.

'Isa pang halimaw'

"Ano bang klaseng skwelahan 'to ha?" Asar na tanong ni Don.

"This place is  hell. Damn!" ramdam ko din ang takot ni Amelia sa boses nya.

"Hahahaha" isang nakakainsultong tawa lang ang sinagot nya samin. "Yeah your right this place is hell----and all of you is the demon. Hahaha. Is that very nice dear?"

'I can't believe this is happening'

Inis akong naglakad palayo. Rinig ko ang pagtawag nila Lian sakin pero hindi na ako lumingon. Gusto kong pumunta sa isang lugar na tahimik at payapa para kahit papaano ay madigest ng sestema ko ang nangyayare.

~~
Happy vacation everyone. :)
-Vleziaren <3

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora