CHAPTER 29 || THE RIVAL

2.1K 70 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Lian's POV

Hanggang ngayon ay parang hindi parin ako makapaniwala sa nangyare ng gabing iyon, isang linggo na ang nakalipas pero parang walang pinagbago ang nararamdamang galit mula sa dibdib ko, gusto ko iyong ibuhos hanggang sa masimot na.

Araw ng lunes, at lahat kami ay nasa kanya kanyang klasrom kung tutuusin ay parang ordinaryong Acdemy or University lang 'to pero ang totoo ay puro halimaw ang nandito. Hindi ko lubos na maisip na may ganito pa palang lugar sa ganito kasibilisadong mundo. Limang bwan narin ang lumilipas simula ng mapadpad kami dito. Napakamisteryoso ng lugar na 'to, bigla tuloy pumasok sa isip kong sino-sino ang mga taong namuno o naging dean noon at kung bakit ganito na lamang ang paaralang ito.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan, nagpaalam ako sa mga kaibigan kong dadaan muna sa library, syempre nung una ay hindi sila pumayag pero nagpumulit ako. Iniwan ko si Riyana kasama ang mga kaibigan namin at nauna na sila sa dormitoryo.

Nangmakarating ako sa Library ay bumungad sakin ang may katandaang babae na sa tingin ko ay may edad na 50 pataas, ipinakita ko naman ang ID ko at saka dumiretso sa isang table, tulad ng ordinaryong library ay sobrang tahimik dito at nakakabingi iyon. 

Napaka-creepy ng buong lugar tangin ang mga ibon lang sa labas ang naririnig ko at mga kaluskus ng mga damon mula sa bintana.

Nagsimula akong maghanap, mga lumang libro ang una kong pinagtuan ng pansin, binasa ko lahat ng yun pero wala akong makitang kakaiba o ano pa man. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang itim na libro at may balot na itim din na panyo. Nakuha nito ang kuryusidad ko at agad ko itong binuklat, sa unang pahina palang ay makikita ang isang lumang letrato ng isang matanda, at sa ibaba non ay nakasulat ang THE FIRST HEAD MISTRESS , so sya ang unang headmistress sa ikalawang page naman ay picture ng isang lalake ay ang kasulat naman dun ay PRESIDENT JOHANAN. 

"Kung ganon ay silang dalwa ang naunang Head and President?" wala sa sariling sambit ko

"Yes they are"

O__O

halos manlaki ang mga mata ko ng biglang sumupot sa tabi ko si President Shon

"What are you doing here?" kalmadong tanong ko

"As a President, it's my responsibilities to check all the student if they in Dorm in this time" deretsong sabi nya kaya agad akong napatingin sa wallclock ng library at nanlaki ang mga mata ko ng makitang 7:20 na pala ng gabi

Dammit! 

Agad kong naisara ang libro at patakbong pumunta sa libraryan pero maski ito ay wala na.

Shet! ganun ba ako katagal dun?

Nangmatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay dali-dali na sana akong lalabas ng pigilan nya ang braso ko.

"Don't you dare tell the truth!" napaawang ang labi ko dahil sa tinuran nya.

"What?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"I know what's running on you're mind"

Napangisi naman ako.

"I don't care" malakas kong binawi ang mga braso ko sa pagkakahawak nya. "Napalampas ko ang nangyare kay Riyana ng gabing iyon President Shon Grey pero wag na wag mong papakialaman ang mga ginagawa ko lalo na kung sa ikabubuti ng mga kaibigan ko dahil handa akong maging halimaw tulad nyo kapag may nangyareng masama sa kanila"

"I understand" wala sa sarileng sambit nya.

"Stay away to Riyana, hindi ko na alam kong anong magagawa ko sayo pag naulit o may nangyare na namang masama sa kanya, kaya please lang layuan mo nalang sya, ako na ang nakikiusap sayo Pres"

"I can't" dalawang salita na nakapagpakunot ng noo ko. Tumitig sya sakin ng seryoso yung tipong pati kaluluwa mo ay makikita, 'tsaka sya napangisi at ikinagitla ko naman yun. "Don't you dare tell me what's I'm going to do" matalim nya akong tinitigan "Just like you I'm willing to risk everything just to protect her" 'tsaka nya ako tinalikuran at naunang lumabas ng Library.

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon