CHAPTER 31 || THE BLACK BOOK

2K 62 2
                                    

Riyana's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Riyana's POV

"Oh san ka galeng Lian kanina ka pa hinahanap nitong si Riyana" Nagliwanag ang mukha ko ng marinig ko ang sinabe ni Sarah kaya dali-dali akong lumabas mula sa banyo.

"L-Lian" 

"Riyana, hinahanap mo raw ako?" Natatawa nyang sabi at binigyan nya ako ng isang matamis na ngite at 'tsaka lumapit.

"San ka galing?" kunot noong tanong ko.

Kakamotkamot sa ulo syang nagiwas ng tingin kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

"A-ah, jan lang nagpahangin"

"Nang ganitong oras?" 10pm na na'ng gabe kaya mas nagtaka ako kong ano ang ginagawa nya ng ganitong oras sa labas, ang paaralang ito ay delikado pa sa mas delikado, mapanganib kahit na anong oras dahil sa sinosunod nilang batas, Tsss.. at bukod pa ron ay wala rin sya maghapon.

"Ah yeah, sorry nakaidlip lang" wika nya at nagderetso sa banyo "Maliligo lang ako saglit, Sleep now Riyana it's to late" Bumalik ang maawtoridad nyang boses kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto namin nila Sarah, nadatnan naman namin sya ng tulog na. Ganon din sa kabilang kwarto sila Don at Emil. Kaming dalawa naman ni Sarah ay nahiga na.

Napakahiwaga ng lugar na 'to, at kahit hindi ako magtanong ay alam kong maraming sekreto ang nakaubli sa lugar na 'to at yun ang hindi ko pa alam at wala na akong balak pang alamin pa. Naglayag kong saan saan ang isip ko at hinayaan ko nalang yun hanggang sa makatulog ako.

~zZzzzzZZZzzzzz......

O__O

Nagising ang diwa ko ng may marinig akong kalabog mula sa taas ng kisame, mejo malabo ang mata ko kaya kaylangan ko pang pahiran yun. Sa taas nagmula ang kalabog na nakapagpagising sakin. Napapalunok pa akong inaninag ang wall clock sa dingding na nasisinagan ng kaonting liwanag na nagmumula pa sa bwan, 

Alas dos na ng madaling araw

*BLAG* 

Halos mapatayo ako sa gulat ng may kumalabog na naman mula sa taas, sinulyapan ko ang mga kaibigan kong mahimbing parin na natutulog. Bumangon ako para tignan kong nagising rin ba ng kalabog nayun sila Lian pero hinde, nakasarado parin ang pintuan nila.

Unti-unti ko iyong binuksan at sobrang nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala don si Lian.

Ang kaninang kaba ko ay parang kabayong dumadagundong ngayon sa dibdib ko, hindi ko alam kong anong gagawin ko. Wala don si Lian? San naman sya pumunta ng ganitong dis oras ng gabe?

Unti-unti kong isinara yun at laking gulat ko na naman ng may mga ilaw akong naaaninag mula sa baba ng dormitoryo. Maingat kong hinawi ang kortina at sinilip kong ano ang nangyayare,

O__O Damn!

Isang grupo ng mga nakaitim, hindi ko mawari kong sino ang babae at lalaki sa kanila, puro sila nakaitim na leader jacket at may itim din silang half mask yung mata lang nila ang makikita. Hindi ko alam ang nangyayare pero natagpuan ko nalang ang sarile kong nakababa na pala ng dormitoryo at mas malapit na ako ngayon sa kanila at rinig na rinig ko ang mga pinaguusapan nila, nasa tago silang banda ng flied yung hindi masyadong pinupuntahan ng mga studyante.

Dahil sa kakulitan at ngayon lang ako nakakita ng ganitong eksena ay mas lumapit pa ako dala na rin siguro ng kyuryosidad na nasa dibdib ko. Mukhang may hinuhuli sila dahil sa mga ikinikilos nila, sa di kalayuan ay may isang hindi pamilyar na lalaki ang hindi nila katulad, hindi sya nakajaket ng itim at wala rin syang mask, nakapantulog ito--

O___O 

Nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto ko ang mga nagyayare, siguro ay yung kalabog na gumising sakin ay ang pagsagawa nila ng kanilang plano na makuha ang taong ito pero ano ba ang gusto nila sa kanya at talagang lahat sila ay sumama.

"Hindi ka magsasalita?" Umalingawngaw ang maliit pero impit na boses ng lalaki dahil sa pagkakatadyak sa kanya sa dibdib.

"You'll regret if you choose to be silent" matalim na wika ng isang babae bagama hinde ko ito makilala sa boses.

"Sinabi ko na sa inyo wala akong alam sa sinasabi mo"

"Sinong tanga ang niloko mo, saan mo itinago ang Black Book?" mararamdaman mo talaga ang galit sa tono ng nagsasalita pero teka ano daw Black book?

"Hindi ko alam, wala akong alam, at kahit na alam ko ay hindi makakarating sa inyo---ugh!" nagpipigil ito ng sigaw dahil sa sakit na kanyang dinaranas ngayon, shet ngayon lang ako nakakita ng isang tao na nahihirapan ng ganito. Hindi nya mailabas ang kanyang hinaing dahil siguro natatakot syang makagawa ng ingay.

"Uulitin ko ang aking tanong, kung gusto mo pang mabuhay. Nasaan ang Black Book? Saan mo ito itinago?" Ano bang black book yan at ganon na lamang ang--

O__O

Hala shit! Napatakip ako ng bibig ng may maalala, yung black book ba na sinasabi nila ay ang itim na libro na ginamit ng headmistress para maikulong ang lahat ng estudyante dito?. Agad na pumasok sa isip ko si President Shon hindi maaring nasa kanya ang libro.

"Nasa head ang hinahanap nyo wala sakin" sagot ng lalaki 

"Tanga kaba talaga? kung nasa kanya ay maghahanap pa kame?" anong ibig sabihin sa sinabi nyang yun? May nabuo na namang Idea ang isip ko, hindi ko alam kong tama ang hinala ko.. pero ang headmistress kaya ang may pasimuno neto? Muli kong inalala ang mga pinagusapan namin ni Shon ng gabing yon, sinabe nyang kinuha nya ang Black Book sa Head. Waaaaaah~ shit kong ganon ay nanganganib ang buhay nya? 

What the hell 

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now