23✓ THE PARTY 1

2.3K 75 3
                                    

Riyana's POV

Gabi na nung magising ako, kaya agad akong napabangon. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Shon kahapon sakin. 

'A-attend pa bako nyan?' 

Nang makalabas ako ng kwarto ay wala na ang mga kasama ko tanging ang black cocktail dress na lamang ang nandun sa ibabaw ng couch. 

'san naman kaya nagpunta ang mga yun?'  

Wala na akong nagawa kundi ang mabilis na maligo at kahit labag sa kalooban ko ay isinuot ko ang Black Dress na nakapatong sa upuan, nang makuha ko ito ay hindi ko inaasahan na may mahuhulog palang isang maliit na kapiraso ng papel mula dito.

I'll wait you there. I love you.
~ShonGrey

O__O

Halos malaglag ang panga ko sa nabasa ko.

Ano daw 'I Love you?' What the heck!

Muli kong pinagmasdan ang susuotin ko. Hindi ko maitatanging napangiti talaga ako ng malaki. Simple Dress lang sya kung totoosin pero may halong kumikinang na silver sa ibabang bahagi ng dress na bumabay din sa silver flat shoes na kasama neto.

~

Mula sa labas ay tanaw ko ang napakalaking Gym ng school na 'to, sa unang beses ay parang ngayon lang ako nakakita ng normal. Simula kasi nang makarating kami dito ay puro kababalaghan na ang natunghayan naming magkakaibigan kaya masaya ako dahil kahit papaano ay may matatawag akong normal nilang ginagawa at yun ang Party na 'to.

Napakalakas na tugtog ang bumungad sakin at ang nagkikislapan na ilaw. Mukha talaga itong ordinaryong party para sa mga freshmen. Pero totoo nga kayang kasiyahan lang ang magaganap dito.

"Nice dress" Mula sa likod ko ay biglang sumulpot si Samantha, napanganga ako sa itsura nya ngayon hapit na hapit ang isang Long Dress na kulay red sa kanya at mas pinaganda pa sya ng red din nyang lipstick.

"A-ah---"

"Do I look like a cheep looking?" taas kilay na sabi nya kaya napaawang naman ang bibig ko at agad na umiling kaya napangisi sya.

"Where's your friends?"

"N-Nauna na e"

*Smirk* 

"Ganon ba?" agad na lumitaw ang nagpuputian nyang mga ipin dahil sa wagas na pagkakangisi nya. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo ko.

Lumapit sya sakin at humalik sa pingi ko. Hindi ko yun inaasahan kaya nanlaki ang mga mata ko at naitulak sya.

"What?" natatawa nyang sabi pero lamang ang pagkasarkastika nya.

"What are you doing?'' Hindi ko napigilan na ipakita sa kanya ang inis ko hindi dahil sa ginawa nya kundi dahil may iba sa ngisi nya na nagbibigay kilabot sakin.

"Nothing" Aniya. Lumapit sakin kaya napaatras ako. Mukhang may sasabihin sya kayalang natatakot akong lumapit sakanya. Baka mamaya ay bigla syang humugot ng kutsilyo at isaksak yun sakin. huhuhu No way.

"You and your friend. *Sigh* Hindi na dapat kayo pumunta pa dito" 

O___O

Agad na nanlaki ang mata ko ng sabihin nya yun. Napalayo ako at mabilis na pinasadahan ng tingin ang mga tao sa gym na ito. Sa tingin ko ay normal naman ang lahat kaya ano ba ang ibig nyang sabihin? Anong hindi dapat kami pumunta dito? What the hell was that?

Tumawa sya ng malakas kaya nabaling sakanya ang atensyon ng ibang tao sa paligid namin.

"You look scared."

"Stop it!" madiin kong sambit. Natigilan sya saglit pero agad ding nanumbalik ang nakakakilabot na ngisi sa kanyang mga labi.

'This girl is crazy'

"Mauuna na ako." Sambit ko bago talikuran sya. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay hinawakan nya ang braso at seryosong tumingin sakin.

"It's your choice. Go on and we'll see." She said tsaka nya binitawan ang braso ko at nagpati-unang maglakad.

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now