CHAPTER 50 || TORTURE

1.7K 51 0
                                    

Riyana's POV

Pabalik na kami sa Academy, at masama ang kutob ko. Nag-aalala ako para sa mga kaibigan ko. Anong kasunod neto? Anong kasunod ng mga magagandang nangyare sa araw na 'to? Hindi ko mapigilan ang kabahan. Pero ang kaba ko ay sandaliang nawala sapagkat hawak ko ngayon ang kamay nya. Ang kamay ng mahal ko-

"Magaling" 

Sa unang pagkakataon ay dinig ko ang isang tinig ng babae.

'Miss Griffin'

"Kung gayon ay tama nga ang hinala ko, Shon Grey nasa'yo ang libro"

Napaatras ako ng bigla ay sumulpot ang mga studyante sa paligid namin. Nakangisi sila ng malademonyo, ang kanilang pustura ay mga nakaitim. Itim na sumisimbulo sa itim na libro na hawak ni Shon.

"I don't know what you're talking about Miss"

"Don't fool me Dear. Ilang beses kitang pinagbigyan. Kung saan-saan ko hinanap ang libro at hindi ko manlang naisip na nasa iyo pala ito? Magaling" Pumalakpak sya na parang namamangha "Katulad mo nga ang iyong ina"

*LUNOK*

'Shon'

"W-wag na wag mo syang isasali dito Griffin, dahil kumpra sa'yo ay mas mabuti syang tao" Ang mga kamay nyang nakahawak sa kamay ko ay biglang humigpit. Higpit na pati ako ay masasaktan.

"S-Shon..."

"Magtigil ka!!"

"Ikaw ang tumigil Griffin" Hinila nya ako patalikod sa kanya "Simula palang alam ko na ang kahayupang ginawa mo. Naging sakim kana, nilunod kana ng pag-ibig mo"

"Sabi ng tumigil ka!! Ilabas ang mga yan!" Sa harapan ko mismo ay kita ko ang pangangaladkad ng mga tauhan na studyante ni Miss Griffin sa mga kaibigan ko. At halos mapaupo ako ng makita ko ang kanilang itsura. 

'Hayup'

Ang malinis na mukha nilang lima ay napalitan ng bahid ng dugo. Basag ang mukha nila Lian at Emil, dumudugo ang ulo ni Don at pati si Amelia at Sarah pawang mga langgam na naghihina.

Muli ay binuhay nun ang galit sa puso ko. Ang nakakabigting tanawin na nakikita ko sa mga kaibigan ko ay pinag-aalab ang puso ko. Sa isang iglap ay parang gusto kong kumitil ng buhay.

"R-Ri-yana" Kahit na hirap na hirap ay nagawang banggitin ni Lian ang pangalan ko at dun ko hindi napigilan ang sarili kong maiyak.

"Hayup ka!---Anong ginawa mo sa kanila" Halos mamaos ako sa boses dahil sa lakas ng pagkasigaw ko. Pero lalong umigting ang galit na nararamdaman ko ng  tumawa sya sa harapan ko habang ang mga kaibigan ko ay mga nakahandusay sa lupa. "Sabihin mo. Anong ginawa namin para ganituhin mo kami!!!"

"Malaki!!" Dun ako natahimik. Pero bigla ay tumawa na naman sya ng nakakaloko dahilan para mapatayo ako ng deretso at walang emosyong pinagmasdan sya.

"Ganon ba? gano kalaki--"

"Malaki at higit pa sa buhay nyo ang kapalit--"

"Baliw kana" Tumawa ako ng peke at 'tsaka galit na nakipagtitigan sa kanya.

"Bakit hindi mo tanongin ang mga kaibigan mo kung anong mga kahibangan ang ginawa nila para abutin nila sa kamay ko ang mga yan"

"Griffin enough!" 

"Isa ka pa! Tumigal ka kung ayaw mong mamatay!!" Malakas na sigaw nya kay Shon at ibinalik ang paningin nya sakin "Alam mo ba na nahuli ko silang nilalabag ang patakaran ko" 'tsaka sya ngumisi habang umiiling-iling. "They break the only rule"

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang natawa. Tawang sarkastiko at tawang naaawa sa kanya.

"Alam mo Miss Griffin nakakaawa kana. Ang walang kwentang patakaran mo---" Sinadya kong bitinin ang sinasabi ko at mas tinitigan sya sa mata "Ang walang kwentang patakaran mo ay dahil ba sa tatay ko?"

"Magtigil kang hangal ka--"

"Ikaw ang hangal. Dahil pati sarili mong anak idinadamay mo sa kawalanghiyaang ginagawa mo" Kita ko ang nag-aapoy na mata nya at ang mga ngipin nyang nanggagalaiti sa galit.

"Dakpin ang isang yan at dalhin nyo sa detention room!!!" Nakakabinging utos nya. Nagsipag sunudan ang mga studyante pero bago pa man nila ako mahawakan ay mabilis na humarang si Shon sa harap ko dahilan para lamunin ako ng matinding kaba.

"Dadadaan muna kayo sa mga kamay ko bago nyo sya makuha"

"Wag mong hayaan na ako pa mismo ang pumigil sayo Grey Shon"

"Tch!"

"Hindi mo magugustuhan pag ako mismo ang pumigil sa'yo"

*SMIRK*

"Then try me"

"S-Shon"

"Stay behind me"

"Pero-"

"Go on Riyana, don't make any move-"

*BLAAAG*

*BOOOOOSSGGGHH*

*PAAAAAAAAK*

Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Sobrang dami nila at kahit na magaling si Shon ay mahihirapan kaming lusutan ang mga 'to.

"AHH! SHIT!"

"Omygod! SHON!"

"Sinabi ko na sa'yo hindi mo magugustuhan pag ako ang kumanti sa'yo" Ngumisi si Miss Griffin at mapilyar sakin ang hawak nyang injeksyon. 

"Walang-hiya ka! Hayup ka!" Sinugod ko si Miss Griffin.

"Riyana NO!"

"UGH~"

"DAMN IT! SHIT!"

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now