CHAPTER 28 || PARALYZED DRUG

2K 65 2
                                    

Riyana's POV

Hindi ko maintindihan ang sarile ko ngayon, para akong hindi makagalaw, sinubukan kong tumayo para sana kumuha ng tubig pero--

*BLAAAAAG*

Bumagsak ako sa lupa, agad na lumapit si Lian at nasabi ko ngang namamanhid ang mga braso ko. Shet bat ganito?

Para akong lantang gulay dahil hindi ko manlang magawang itaas ang mga kamay ko, ramdam kong buhat buhat ako ni Lian pero parang mga patay ang mga hita, kamay at braso ko na hindi ko maigalaw. Para na akong maiiyak ng pati ang paghinga ko ay hindi ko na maramdaman at biglang sumikip ang dibdib ko.

Pinilit kong lumanghap kahit konting hangin pero hirap na hirap ako.

Ano bang nangyayare sakin?

Malinaw parin naman ang pandinig ko dahil rinig na rinig ko ang malakas na hagulgul ni Sarah at Amelia habang sila Don at Emil naman ay naririnig kong napapamura.

"I can't believe this happening anong nangyayare sa kaibigan naten?" umiiyak na tanong ni Sarah.

"Hindi ko rin alam" si Amelia.

"Dammit" Malakas na sigaw ni Emil ay sinipa ang pintuan ng clinic.

Walang bumungad samin na nurse kaya nagmadali si Emil na humanap ng kakaylanganin, sa aming amin na magkakaibigan ay si Emil ang may pamilyang doktor halos lahat ng kapatid nya ay doktor kaya hindi na ako magtataka kong ano man ang ginagawa nya.

Agad nya akong tinignan at inilawan ang mga mata ko, pagkatapos non bigla nyang hinawakan ang mga braso at bindi ko, hindi ko yun maramdaman pero nakita ko kung papaano nya nagawa.

Unti-unti ay parang wala na akong malanghap pa na hangin, hanggang nga sa dumilim na ang lahat at hindi ko na alam ang nangyare.

Lian's POV

Para akong mababaliw ng makita kong pumikit si Riyana, No! wag kang kang pipikit, No Please. Hindi ko narin nagawang pigilan pa ang mga luha ko at parang gripo itong sunod-sunod na tumulo gaya nila Sarah ay napaupo ako sa sahig ay naghihintay na may sasabihin si Emil, habang si Don naman ay napapalakas na mura ang binibitawan nya.

"Paralyzed Drug!" Mahinang sambit ni Emil pero dinig ko parin at para na naman akong naestatwa sa kinalalagyan ko mas lalong lumakas ang pagiyak nina Sarah at Amelia. "Damn it!" mura pa ni Emil.

Paralyzed Drug?

"Tangna, sino naman ang hayup ang may gawa nito?"

"I don't know! Masuwerte tayo at konte palang ang nainom ni Riyana"

"What the fvck! sino naman ang walanghiyang gagawa sa kanya nito? King ina sabihin nyo" Malakas na sigaw ko at pinagsusuntok ang pader habang nakikita kong kahiga at walang malay parin si Riyana ay para rin akong pinapatay.

"Calm down pare" pagpapahinahon ni Don

*BLAAAAAAG*

Hindi ko, inaasahan ang malakas na sipa na yun at lahat kami ay nabaling sa pinto ang atensyon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Samantha don.

Anong ginagawa nya dito? 

"Here" ibinato nya ang isang bote kay Emil kaya napatitig naman ako sa kanya.

"What's this?" Si Emil

"Ipainom nyo yan sa kanya"

"And why the hell we'll trust you?"

"I don't say that you have to trust me, I said you must give it to her"

"What was that?" agad na sabat ko.

"A healing? Psh" sarkastikong sagot nya "Ipainom nyo nalang yan sa kanya kung gusto nyo pang mabuhay ang kaibigan ninyo" yun lang at umalis din agad sya at iniwan kaming nakanganga.

DAMN IT!

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now