CHAPTER 42 || THE REASON

1.7K 63 0
                                    

Riyana's POV

"UGH~" Hindi ko inaasahan ng may biglang sumulpot na lalaki mula sa likuran ko. And with in a second nagawa nyang itusok sakin ang hawak nyang kutsilyo. halos maiyak ako sa sobrang sakit nun.

Biglang nanuot sa ala-ala ko kung papaanong namatay ang mommy ko. Sa ganitong paraan sya namatay. Naaalala ko na lahat, at hindi ko mapigilang magalit, galit na umusbong sa puso ko, galit na gustong kong bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng nanay ko. Pero pano?

Unti-unti ay para akong kinukuhanan ng buhay dahil sa hinang nararamdaman ko. And with in a second I feel on the ground lying.

-

Marahan kong iminulat ang mata ko, para kong tinakbo mula Laguna hanggang Batanes, dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa kisame.

"Oh god she's awake!"

"S-Sara-h"

"Damn!"

"May nararamdaman kabang masakit ha? tell me please" Napatitig ako kay Lian, ang kanyang perpektong mukha ay may bahid na ngayon ng mansa ng dugo.

"I-Im s-sorry--"

"Shussh! you don't have to say that"

"P-Pero kasalanan ko kung bakit-"

"Stop it Riyana---it's my fault, not yours"

"Teka, ano bang sinasabe mo babe?"

"I plan this, we're plan this game" Napatitig lahat kay Amelia, ano bang sinasabe nya? "Simula palang, hindi aksidenteng napadpad tayo sa lugar na 'to, all of this, is our plan"

"Tangna, ano bang sinasabe mo Amelia babe" Gulong-gulong tanong ni Don maging kami ay hindi alam ang sasabihin. She plan this? but she really don't know who am I. Ang gulo.

"I'm an assassin Don, this is who I am. Our whole family, we have an organization. Ang grupong ito ay matagal ng nag-iimbistiga sa paaralang ito pero kahit na isa ay wala kaming makuhang impormasyon, kaya nagpasya silang gumawa ng hakbang, hakbang para pasukin ang teritoryong ito"

"A-ano?" Hindi makapaniwalang sambit ni Sarah. "So all this time, alam mo lahat ng nangyayare?"

"Sarah" Awat ni Emil

"Yes" Tugon ni Amelia,

"What the hell" Si Lian

"Pero hindi ko alam na ganito ang mangyayare, Oo nung una palang alam ko ng delikado sa lugar na 'to pero isinama ko parin kayo. Bakit? kasi may tiwala ako sa inyo"

"Tiwala san?" Galit na saad ni Sarah.

Unti-unti ay ibinaling sakin ni Ame ang paningin nya, walang emosyon ang pinakitang kong Riyana sa kanya kaya nangamba sya.

"I'm sorry" Sa pagkakataong ito ay nangilid na ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. "Hindi ko alam ang tungkol sayo"

"Pero kahit na alam mo ay tutuloy ka parin sa lugar na 'to tama?" 

"Yes, because that's my mission"

"Pero delikado-"

"Mas delikado kong hahayaan naming manatiling nakatayo ang paaralang ito, hindi ito sakop ng gobyerno at tanging ang organisasyon lang namin ang may alam tungkol dito--"

"Magaling, kung ganon ay ikaw ang apo ni Chairman Hazon"

 Nanlaki ang mga mata ko, halos malubong ako sa kinatatayuan ko ng biglang sumulpot si Miss Griffin mula sa harap ng pinto. "Matagal ng panahon mula nung mabanggit ko ang pangalan na yan, hindi mo ba ako makilala?" Humalakhak sya na ikinabigla ko.

"Tangina ano bang problema mo?"

"You're the headmistress pero ikaw mismo ang pumapatay sa mga studyante mo"

"What kind of human are you?"

Sunod-sunod na tanong ng mga kasama ko.

"Dahil sa iyong ina, kaya ko 'to ginagawa. Kaming tatlo, Ako si Rissa at si Shaina, masaya naming tinanggap ang mission na iniutos samin ni Chairman Hazon, kaming tatlo ang pinakamagaling na assassin sa linya ng mga babae sa organisasyon kaya kami ang napili para wakasan ang madilim at misteryong paaralang ito, pero nagbago ang lahat ng makilala namin si President Johanan." Halos kilabutan at tumindig ang mga balahibo ko ng ituro nya ako gamit ang hintuturong daliri nya. "Inagaw na lahat sakin ni Rissa, ang promotion ni Chairman Hazon para sa misyong ito, ang pagmamahal ng dating President na anak ng naunang headmistress at maging ang anak ko ay kinuha nya rin sakin! ngayon mo sabihin sakin, MALI BA ITONG GINAGAWA KO?!!!" Halos sumigaw na sya, dahil sa sobrang galit.

"Pero walang kasalanan ang mga studyante, bakit mo sila ikinulong sa ipiyernong ito? bakit patuloy mo parin silang pinaparusahan--"

"Dahil iyon ang naging kapalit at kabayaran sa pakikipagkasundo ko sa itim na libro" 

"Nababaliw kana" Wala sa sariling sambit ko.

"Oo at gagawin ko ang lahat para magtagumpay--"

"Mom stop" Dalawang boses ang nakapagpahinto samin, "Please stop"

Shon, Tazki?

"Tigilan mo na 'to Mom"

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now