CHAPTER 38 || CONFESSION 2

1.8K 72 0
                                    

Riyana's POV

Patakbo akong bumaba ng dormitoryo. Lumuluha ngunit panay ang ingat kong makagawa ng ingay dahil ayaw kong mapatay ako dahil lang nagising ko ang mga demonyong natutulog dito. Sa hindi inaasahan ay dinala ako ng mga paa ko sa punong pinagdalhan sakin noon ni Shon. Sa isang puno kong saan nakalibing ang nanay ko.

Bumuhos ang mga luha ko parang gripong hindi tumitigil, hindi nalang ito dahil kay Lian kundi pati na rin sa nanay kong kaylan ko lang din naalala. Sobrang gulo na ng utak ko, hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Kinuha ko yung kwintas na napulot ko dito noon, kwintas na hindi ko alam na pagaari ko pala. Pinilit ko itong binukasan, at halos maiyak ako noon ng makita ko ang sarili ko sa litrato kasama ang nanay at tatay ko sa isang pusong pendant nito. 

Ngayon ko lang din naalala ang lahat, kong papaanong iniligtas ako ng nanay ko para makalabas sa lugar na ito, pero eto na naman ako ngayon natagpuan ang sarili na nandito at nagaaral sa akademyang ito. Napaupo ako at niyakap ang sarili kong mga tuhod. Doon ko inilabas ang sama ng loob ko.

"Ang tanga-tanga ko, bakit pa ako bumalik sa impiyernong ito?" Sisi ko sa sarili habang patuloy parin sa pagiyak. "At ngayon nandamay pa ako ng iba, dahil sa mga kasama ko" Parang gusto ko nalang mawala bigla.

Pero natigil ako ng may mamataan akong pares ng paa sa harap ko mismo. Halos magtindigan na naman ang mga balahibo ko dahil sa sobrang kaba, maging ang paglunok ko ay napakahirap para sakin. Unti-unti ay naglakas loob akong tumingala at parang nabunutan ako ng tinik ng makita ko kung sino ang nasa harap ko, walang emosyon ang mukha nya.

"S-Shon--"

"Nagsisisi kaba dahil bumalik kapa dito?"Narinig nya ba ang mga sinabi ko? hindi ko alam kong ano ang isasagot sa tanong nyang iyon, naging mahirap para sakin ang tanong na yun. Tumitig ako sa kanyang mga mata at mababasa mo roon ang lungkot. Lungkot na ngayon ko lang nakita sa kanya.

"Shon--"

"Okay" Putol nya sa sinasabi ko at tumalikod sakin nabigla ako sa inasal nyang iyon kaya napatayo ako magsimula syang maglakad.

"Shon" sambit ko sa pigil na tinig, nagtagumapay naman ako dahil huminto sya paglalakad pero nanatiling nakatalikod sakin.

"Wag kang umalis" Maiiyak nang sabi ko pero mas nagulat ako sa naging sagot nya.

"Nang pinigilan kitang wag umalis? nakinig kaba?" Bumuhos ang mga luha ko ng maalala ang gabing iyon, ang pagpigil nya saking wag umalis at wag ko syang iwan.

I'm sorry Shon

Nanatili akong tahimik at taimtim na umiyak. Pero trinatraydor ako ng hikbing hindi ko mapigilan.

"Wag kang umalis" Muli ay sambit ko pero mas lalong tumindi ang paghikbi ko nung magsimula syang maglakad papalayo sakin.

"Mapapahamak ka lang pag nasa tabi kita" 

"Shon" pigil ko pero hindi na sya tumigil kaya wala akong nagawa kundi ang sundan sya.

"President Shon" Tawag ko ulet pero wala talaga syang balak tumigil.

"Shon Grey"

"S-Shon"

"Pres"

Nagpatuloy ako sa pagtawag sa kanya hanggang sa ako mismo ang tumigil.

"Mahal" Tawag ko na nakapagpahinto sa kanya, "Shon---mahal ko" hindi ko inaasahan ang biglang pagharap nya sakin.

"Can you please say it again?" Sa himig ng boses nya ay parang maiiyak na sya.

"Shon Grey ang taong nakasama ko sa paglaki at ang nagiisang taong napaibig ko. Isang taong minahal kong lubusan, mahal, bumalik na ako at hinding hindi na ulit kita iiwan" Kita ng mismong mata ko kung papaanong bumuhos ang mga luhang pigil na pigil nya, naging emosyonal na sya na ngayon ko lang nakita sa katauhan nya, madalas kasi ay palagi syang galit at nakakatakot, ang Shon na nasa harap ko ay parang batang umiiyak dahil sa matagal na pagkakawalay sa kanyang ina.

Nang walang ano ano'y bigla ay tumakbo sya at mahigpit akong niyakap. 

"You're back" He said while sobbing "Finally you're back. You're really back" Natawa pa ako ng bahagya.

"Yes, I'm back at hinding hindi na ako aalis kahit na kaylan sa tabi mo" Ginantihan ko ang mahigpit nyang pagkakayakap sakin.

"How did you know everything?" bahagya syang yumuko para ako matitigan.

"Here" Inabot ko sa kanya ang kwintas na napulot ko dito mismo sa puntod ng nanay ko.

Matagal nya akong pinagmasdan, mula sa mata ko papunta sa ilong at tumigil sa mga labi ko napalunok naman ako. HIndi ko rin napigilan ang sarili kong mapatitig sa kanyang mapupulang labi. "

"That lips, I wan't it to taste" wala sa sariling sambit ko, at bago pa man ako makapagsalita ay mabilis nya na akong siniil ng halik, halik ng pananabik at halik na nanggigigil.

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now