CHAPTER 37 || CONFESSION 1

1.9K 61 0
                                    

Riyana's POV

"Hey hindi ka pa ba matutulog?" Lumapit sakin si Lian mula sa pagkakatanaw ko mula sa bintana. Tulog na lahat ng mga kasama namin at tanging kaming dalawa nalang ang nandito sa sala mag aalas onse na ng gabi at hindi parin ako dinadalaw ng antok.

"Kasama ba ako sa iniisip mo?" Malungkot na sambit nya 'tsaka ako tinitigan. Kumunot naman bigla ang noo ko, ngayon ko lang kasi nakita si Lian na ganito kaemosyonal.

"H-Ha?--"

"I Love you" 

O_O

 'I Love you'

'I Love you' 

'I Love you'

'I Love you'    

What the hell!

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang isang salita na sinabi ni Lian. 

"L-Lian--"

"Do you love me to Riyana?" Napalunok ako, sunod-sunod. Parang mga nag-uunahan na kabayo ang puso ko dahil sa lakas at kabog nito. Kinakabahan.

Tumitig ako sa mga mata nya at batid kong seryoso sya at hindi ko alam kong anong sasabihin. Ngayon ko lang sya naitang ganito kaya naninibago ako sa totoo lang. Humugot ako ng napakalalim na buntong hininga 'tsaka dumeretso ng upo, mula patagilid kong pwesto ay humarap ako sa kanya, hinawakan ang kamay nya at deretsing tumingin sa mga mata nya.

"I Love you..." Sinadya kong putulin ang sinabi ko. Nagliwanag bigla ang mga mata nya, parang diyamanteng nagkikislapan. "Pero---hanggang sa kaibigan lang ang pagmamahal ko sayo Lian, Oo crush kita noon at pati naman hanggang ngayon pero hanggang sa paghanga lang ako e, hindi na hihigit pa ron pasensya na" Ang kaninang mga matang nagkikislapan ay biglang lumamlam at nalungkot bigla, gusto ko man pagaanin ang loob nya ay hindi ko alam kong paano.

I'm sorry Lian.

Humigpit ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko, batid ko iyon kahit nakayuko sya sakin.

"Pwede naman natin iyong higitan pa Riyana" Isang patak ng luha ang tumulo sa kanyang mga mata at dumiretso iyon sa kamay kong hawak nya, ramdam ko ang init ng kanyang luha. 

"L-Lian--"

"Please Riyana, give me a chance gagawin ko ang lahat" Lumuluhang pakiusap nya. Nahawa ako sa pagiyak at hikbi nya kaya walang ano ano'y pinunasan ko iyon. "Just give me a chance I'll promise that i'll love you forever, I'll protect you Riyana I'm willing to risk my life just to protect you just give a chance to love you"

"Lian--"

"No--"

"Lian listen to me" Napatitig sya sa mukha ko, biglang naging banayad iyon. 

"Meron kana bang ibang mahal?" Nabigla ako sa kanyang sinabi, hindi makakilos ang katawan ko at hindi makalma ang mga kalamnan ko.

"A-ano bang s-sinasabi mo Lian?" 

"Sabihin mo meron kana bang ibang mahal? mahal na hihigit pa sa pagmamahal ko sayo?" Bigla ay nabigla ako dahil nagtaas sya ng boses, mejo napalayo ako sa kanya. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at pilit ako akong inilalapit sa kanya.

"L-Lian ano bang ginagawa mo?" Bigla ay parang natakot ako sa kanya.

"Love me, please love me"

"You can't push anyone to love you Lian" Napapalunok kong sambit pero mas humigpit ang pagkakahawak nya sa balikat ko. Inilapit ako sa kanya ng inilapit hanggang sa isang dangkal nalang ang layo namin sa isat-isa. Pinilit kong magpumiglas pero pakiramdam ko ay sobrang lakas nya, napapikit ako dahil sa kawalang magawa, isang maling galaw ko nalang ay maghahalikan na kami pero hindi ko inaasahan ang biglang pagpasok ni Shon sa utak ko dahilan para malakas ko syang maitulak. Napapaluha akong tumitig sya kanya at parang ngayon lang sya natauhan. Gulat syang napatingin sakin.

"Riyana" Sambit nya pero lumayo ako, humakbang ako paatras dahilan para mahawakan ko ang door nob ng pinto, nagugulat parin syang nakatingin sakin "Riyana I-I'm s-sorry--" Pero bago pa man nya matapos ang sasabihin ay mabilis kong binuksan ang pinto at patakbong lumabas ng dormitoryo.

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα