CHAPTER 25 || THE PARTY 3

2.1K 80 5
                                    

Riyana's POV

Halos mahilo ako sa kanilang dalawa, sobrang titig na titig sila sa isat-isa, sa totoo lang ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko, naghahalo na ang saya at kaba.

Magkaharap kami ngayon ni Lian habang nasa gilid namin si President Shon, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa, para bang naglalaban kasi sila sa mga isip nila dahil sa sobrang lalim ng tinginan nila, halos nagpabalikbalik rin sa kanila ang paningin ko hanggang sa nilingon ako ni Shon at saka nakangiting nagsalita.

"May I dance the most beautiful girl tonight?" 

Napalunok naman ako ng biglang kumislap ang mga mata nya at nakita ko yun.

"A-Ah sig--"

"NO"

O__O

Bahagyang nanlaki ang mata ko at napalingon kay Lian. Masama na ang tingin nya kay Shon at hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil sa talim na titig na yun.

"No! you can't dance him" Malumanay pero may diin nyang sabi.

"H-Ha? Pero Lian--"

"I said no Riyana, end of conversation" matalim nya akong tinitigan at hindi ko nakayanan ang mga titig nyang yun para akong pinapatay e. 

Bahagya nalang akong nagulat ng hilain nya ang mga kamay ko pero mas lalo akong nagulat ng ang isa ay hilain naman ni Shon.

'What the?'

Ayun na naman ang mga nag-aapoy nilang mga mata. Damn! ano bang ginagawa nila. Masyadong maraming tao dito kaya kitang-kita kami.

"You can't go with her!" Isang napakadilim na na Shon ang bumungad sakin matapos ko syang tignan, hindi ko mapigilang mapalunok, parang nagbabagang apoy ang mga mata nya at parang may itim na awra na nakapalibot sa kanya. Hindi nakaligtas ang mga kamay ni Lian na halatang natinag dahil biglang humigpit ang hawak nya sa braso ko. Damn gumawa ka ng paraan Riyana huhuhu. Gusto kong umiyak dahil sa tingin ko ay namamanhid na ang kaliwang braso ko dahil sa higpit ng kapit doon ni Lian huhuhu.

"You're hurting her!" Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, isang napakatalim at nagraragasang titig na naman ang binigay nya kay Lian. 

Dun nya lamang nakita kong gano kahigpit nya na akong hawak. Nagaalala nyang tinignan ang braso ko at mahinang napamura.

"I-Im sorry"

"Hehe, Okay lang Lian, sige dun ka muna sa table naten mukhang kaylangan mong maupo, sasayaw lang kame saglet ni Pres" nakangiting wika ko bagaman nakakunot ang noo ay nagawa nya paring bumuntong-hininga.

"But--"

"It's okay babalik din ako agad mamaya" isang matamis na ngiti ang iginawad ko para hindi na sya magsalita at dali-daling humarap kay President Shon.

Masama nya akong ginawaran ng tingin, Shet naman oh bakit ba ang ho-hot ng mga lalaki ngayon? 

"Hi" ang nasabi ko lang matapos naming magharap ng tuluyan.

"Tssss"

'Psh! anong Tssss? Tssss ba ang sagot sa Hi?' Nakanguso kong sabi sa isip badtrip. Bigla tuloy akong nakaramdam ng ilang sa kanya.

'I Love you'

 'I Love you'  

 'I Love you' 

'I Love you' 

 'I Love you'  

Muling nangibawbaw sa tenga ko ang mga huling nabasa ko sa sulat na binigay nya. 

'Waaaaaaaaaaaah'  huhuhu! anong ibig sabihin nun Shon? 

Gusto ko man yung sabihin sa kanya pero di maaaare!  nahihiya ako. Pakshet!

"How are you?" Sa unang pagkakataon ay nagsalita sya na syang balik ko sa riyalidad na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya kaya agad akong nagbaba ng tingin. 

Hhyuuup! Badtip

"I-Im fine"

"No you won't"

"Yes I am"

"Tsssk!"

"Kumusta nga pala yung nilakad mo ayos naba?" pagiiba ko ng usapan. Tumango lang sya sakin. Hinawakan nya ang mga kamay ko para ilagay sa balikat nya, agad ko sanang tatangalin yun pero masyado syang malakas para labanan ko yun. Hanggang sa hilain nya ako papalapit sa kanya at ilagay ang mga braso nya sa bewang ko.

"Beautiful" wala sa sariling sambit nya habang nakatingin sakin kaya kumunot ang noo ko. 

Sa mga mata nya ay makikita mo ang paghanga at mga ngiti nyang nagbibigay buhay sa mga yon. Hindi ko tuloy maiwasan na mangiti rin, kakahawa yon.

"This is not the first time I say this but I would like to hear you again, I'm falling for you over and over again Riyana"

'I'm falling for you over and over again Riyana'

'I'm falling for you over and over again Riyana'

'I'm falling for you over and over again Riyana'

Nagpaulet-ulet sa pandinig ko ang mga salitang binitawan nya. Ano ang ibig nyang sabihin? ba't may AGAIN? anong ibig sabihin ng again na yun? nagkita naba kami dati?

Gusto ko yang itanong lahat sa kanya pero para akong naestatwa at hindi makakilos, para king nilagyan ng stick glue ang labi ko para hindi mabigkas ang mga sasabihin ko man dapat.

'What the hell? Who are you Shon Grey?'



KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα