CHAPTER 32 || CONTINUATION

1.9K 65 3
                                    

Riyana's POV

"Kill him" Utos ng isang lalaki kaya agad na nagsikilusan ang mga nakaitim na Jacket mukhang sya ang kanilang pinuno. 

Agad ko namang naitakip ang mga kamay ko sa bibig ng maglabas ng kotsilyo ang isa sa kanila at mukhang ito ang gagamitin nya para kumitil ng buhay. Hindi ko na 'to kaya mga halimaw sila. Walang kasalanan ang lalaking eto pero kung patayin nila ay parang aso lang sa kalye, hindi na 'to tama, inosente sya at hindi dapat ganito ang kinalalagyan nya. 

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos nun ay 'tsaka ako tumayo para pigilan sila. Bahala na. Pumikit ako ng ilang sigundo at ang unang hakbang ko ay ang syang pagdilat ko pero para akong nakalunok ng napakaraming glue dahil hindi ako makakilos sa kinalalagyan ko.

"Little rat" Para akong mabibingi, nakangisi na ngayon ang isang babae sa harap ko at padarag nya aong hinila sa braso dahilan para mapasubsob ako sa lupa. "Look what I've got"

"Aww, the newbie" isang pamilyar na boses ang may sabi nun at pagangat ko ng ulo ko ay bumungad ang mala demonyong ngiti sa mga labi ni Vanessa 

Nanlaki ng sobra ang mga mata ko dahil tinanggal nya ang mask na nasa mukha nya.

"Sino yan?" dinig kong tanong ng isang lalaki.

"A trash" Naging matunog ang pagtawa nilang lahat pero naagaw ng isang pamilyar na tindig ng isang lalaki ang nakita ko.

No this can't be, sana nagkakamali lang ako na ang nakikita ko ngayong nakatayo malapit sakin ay si Lian

Parang bigla ay gustong tumulo ng mga luha ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Ahh" Napadaing ako ng may biglang humablot sa mga buhok ko dahilan para mapatayo ko. Sobrang higpit nun at pakiramdam ko ay mabubunot lahat ng anit ko sa ulo.

"What do you want Trash?" Maarteng sambit ni Vannesa, lumabas naman sa kung saan si Samantha na ikinagulat ko na naman.

"What now Sam?" Si Vanessa. Pero hindi ito pinansin ni Samantha bagkus ay bumaling sya sa isa pang babae.

"Wala ito sa plano Dyla" Natawa naman ang tiawag nyang Dyla at naging matunog ito. Ibig sabihin ay kilala nya ang mga ito? 

"Hahaha, ano kaba Samantha of course" Nabuhayan naman agad ako ng pagasa pero nawala rin yun nung muli itong ngumisi sakin "Pero hindi na ngayon, nahuli ko sya, she's hiding behind the trash, hahaha. Kaya nga mukhang basura na sya e. And beside she ruin our little party last week"

Tumango-tango naman si Samantha na parang naiintindihan nya ang mga sinasabi nito. Nakangisi syang hinarap ang babae.

"Okay" 

Halos manlumo ako, Damn! is this the last? Muling bumaling sakin si Dyla na may lawak ng ngiti sa labi at hinawakan ako sa leeg, pahigpit ng pahigpit yun dahilan para mapaubo ako at hindi makahinga. Nawawalan na ako ng pagasa, dito na ba ako mamatay?Napapapikit na ako sa kawalan ng magawa, pinilit kong magpumiglas pero sobrang lakas nya. Bigla nyang binitawan ang leeg ko dahilan para habulin ko ang aking hininga, naglabas ito ng isang asul na kotsilyo at sobrang talim nun kahit tinititigan ko palang, unti-unti syang lumapit sakin dahilan para mapalunok ako ng sunod sunod at ang isang patak ng luha mula sa mata ko.

"Any last wish--"

"Step more and you will die"

Isang boses na nakapagpatigil sa lahat lalo na ang babaeng nagtatangkang saksakin ako, sobrang dilim ng awra nya parang kahit anong oras ay sasabog sya. Nakayukom ang mga kamay nya at parang may itim na usok ang bumabalot sa katawan ni President Shon. Nasa kanya ang atensyon ng lahat, sa kabilang banda ay nakita ko mismo ang pag-angat ng mga labi ni Samantha ng makita ang takot na itsura ni Dyla.

Masama ang tingin ni President Shon kay Dyla na ikinagitla naman nito, parang mga patalim ang mga titig nya na tumatama mismo sa puso ni Dyla.

"President---ugh"

O___O 

Sa isang iglap ay dinakma ni Shon ang leeg ng babae dahilan para mabitawan nya ang hawak nyang kotsilyo, napaatras naman ang mga kasamahan nila at maging si vanessa ay mababasa ang takot sa mukha.

"What do you think you're doing?" mababakas ang galit at awtoridad sa mga salita nito, hindi naman nakapagsalita si Dyla at pilit na nagpupumuglas pero wala itong  magawa ang kaninang lakas nya ay hindi makapalag sa lakas ni Shon.

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa nakikita ko pero parang mamamatay na si Dyla sa pagkakasakal sa kanya, nakataas eto sa ere. Walang magawa ang mga kasama nya kundi ang manood na ipinagtaka ko naman bakit hindi nila sya tulungan?

Kahit na nanghihina ay pinilit akong tumayo, at lumapit sa kanila at ng magawa ko yun ay mas lalo kong nakita ang nagaapoy na mata ni Shon, hinawakan ko ang braso nya kaya natinag sya at tumingin sakin.

"Tama na" umiiyak kong sambit habang nakatingin sa mga mata nya na unti-unting bumabalik sa dati "Tama na Shon" 

Bigla ay binitawan nya ang babae at napahiga ito sa lupa, naging mabilis naman ang mga kasamahan nya at tinilungan syang tumayo at mabilis nilang nilisan ang lugar maging ang target nila ay tumakbo paalis walang naiwan maski isa sa kanila, nakatuon parin sakin akin ang paningin ni President Shon, hindi ko yun matagalan at ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko, kaya nagbaba ako ng tingin at walang ano ano'y niyakap ko sya. 

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now