PROLOGUE

246 2 0
                                    

It's hard to believe it's been 10 years!


come and reminisce with

the class of 2018

of Wonderland High


January 6, 2018


6:00pm until midnight, or later

Vivere Hotel | Alabang, Muntinlupa, Metro Manila


Hawak hawak niya ang maliit na envelope sa kaliwang kamay, sa kabila ay ang cellphone na kanina pa tinititigan. Naghihintay ng update, twitter, ig oh facebook. Kahit youtube nga rin sana. Baka may bagong cover or vlog. Kahit ano. Magkaron lang ng balita.

"Mahal? Ano pupunta ka ba? That's 2 weeks from now." Sabi ng bestfriend ni si Jhiorgieña, Jhiorgie, Jheorge o Jhie. Kung ano nalang trip itawag.

Nasa isang coffee shop sila ngayon, nagka-catch up. Bukas lang kasi ay busy na naman ang kaibigan dahil isa na itong cabin crew.

Yung isa pa nilang kaibigan, si Mae, isa pang flight attendant, hindi nga lang nila kasama ngayon dahil on duty. Domestic lang naman ang flight niya ngayon, maya-maya oh bukas nakauwi na yun.

Kaso busy naman nun si Jhie.

At siya rin dahil may mga pasyente siyang kelangan siya.

So lagi talagang nagcclash ang schedule nilang tatlo. May instances na si Mae at Jhie lang ang magkasama, meron naman si Kate at Mae lang, meron din naman na si Jhie at Kate lang, kagaya ngayon.

"Sige pupunta ako, hindi naman ako busy siguro sa araw na yan." Sagot niya.

"Araw? Gabi talaga yan, mahal," sabi ni Jhie.

"Pilosopo mo."

Tumawa lang ito, "Seryoso nga ha? Pupunta tayo. Namimiss ko na rin sila Patricia."

Sila Patricia, Desa, Claudette, Alyza, Jenelyn, Choy ay yung iba pa nilang friends na busy rin sa career and maybe sa love life rin na super once in a blue moon nalang nila makasama.

"Oo nga, swear." Natatawang sabi ni Kate.

"Baka kasi timing na gusto mo lang magtago sa lungga mo sa araw na yan kaya sinu-sure ko lang. Ayoko ma-talk shit."

Nagtawanan ulit sila.

Pupunta ba siya?

At the back of her mind, may bumubulong sakanya. Sinasabing wag! Feeling ko bad idea yan!

Pero may isa pang boses na nagsasabing pumunta ka! Sigurado ko mageenjoy ka. Wag mo na sayangin tong opportunity na to!

Tumingin nalang siya sa iniinom na frappe.

Pupunta ba?

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now