Chapter ONE

212 3 0
                                    

Flashback. 11 YEARS AGO.

Aaah. Senior high school na siya. First day nila ngayon, at sila rin ang first batch ng experiment na ito ng DepEd.

Exciting pero at the same time sobrang nakakakaba. Nakakapressure, nakakabaliw isipin.

Parang may butterflies sa tiyan niya. Parang gusto niya umuwi. Para siyang lalagnatin.

Old student naman na siya dito sa Wonderland High, pero kasi ang daming transferees galing sa iba't ibang school. Shy type pa naman siya, hindi siya magaling makipag-socialize. Eh, yung classmates niya nga nung grade 10 siya, inabot pa ng dalawang school year para maka-close nya yun lahat eh.

Nakakapanibago. Ibang iba yung itsura ng place. Ibang campus din kasi to. Hiwalay yung senior high sa junior.

Nakatitig lang siya sa gate ng school. Nakikipagtitigan kay kuya guard. Pero syempre, talo siya. Hirap siya makipag-eye contact kasi nga bigla siyang na-awkward, pinaglihi yata siya sa awkwardness ng mama niya.

Binilang muna niya ang mga pumapasok. Kapag naka-150 na siya ay papasok na rin siya.

One. Two. Three. Four. . . Twenty six. Twenty seven. . . Fourty three. . . Fifty eight. . . Seventy nine. . . Eighty two. . . Ninety four. . . One hundred twenty. . . One hundred thirty five. . . One hundred fourty eight. . .

One hundred fourty nine.

Ilang minuto pa siyang naghintay ng isa pang estudyanteng papasok. Kahit sino. Kahit ano. Basta may pumasok lang.

Hundred fourty nine na eh, isa nalang. Bakit ayaw pa?

Gosh. Baka ibig sabihin nun, siya yung pang-hundred fifty.

Tumingin siya sa kalsada. Ang daming taga-school nila na nakatambay sa kung saan saang stores sa labas. May mga ang aga-aga nagsstreet food, meron naman nasa computer shop, merong tambay lang talaga. Ayaw lang pumasok.

First day na first day.

Nalaman niyang schoolmates niya ang mga ito dahil sa ID. Pwede pa silang hindi maguniform sa first two months ng school. At mostly sa mga tambay students na ito, mga nakapang-everyday clothes nila.

Parang siya. Hihi.

Napagisipan niyang, sige na, siya na nga siguro yung pang-hundred fifty. Okay. Papasok na siya.

Anong oras na ba?

8:59 AM

Okay. One minute before first period.

What?

Male-late na siya!

Aktong papasok na siya sa gate nang may biglang nauna sakanya.

One hundred fifty.

Matangkad ito. Naka-pull over, brown pants, and converse. Simple lang pero ang galing magdala ng damit.

Hindi niya alam kung anong itsura, nakatalikod kasi ito sakanya. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Hmm.

Bago siguro, naisip niya. Ngayon niya lang kasi ito nakita. Nagtaka rin siya na pinayagang makapasok ito dahil kung may bagay na strict ang school nila, yun ay sa hair policy and dress code. Mahaba kasi ang buhok para sa lalaki, medyo umabot sa neck.

Kuya guard? Bias ka, sabi niya sa isip.

Naglakad na siya. Hindi niya sinusundan yung lalaki pero parang ganun yung itsura kasi nasa likod siya nito, naglalakad, nakatingin sakanya.

Pero seryoso. Hindi naman talaga niya sinusundan. Pero pwede rin sana kung hindi lang siya male-late na sa unang period! So siguro mamaya nalang after class? Basta. Kelangan niya makita ito ulit.

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now