Chapter EIGHT

96 3 0
                                    

hello po, i did some changes sa past chapters so if hindi po bothersome please re-read nalang po to further understand itong update. thank u!


--

Thursday was boring, wala masyadong ganap. Hindi rin niya masyadong nakita ang "new-found friends" kuno nila na sila Kaye at Ara. Inggit na inggit na siya magkaroon ng club meetings after classes everyday pero hanggang ngayon wala pa rin siyang matinong club na nakikita.

Member siya dati ng Poetry Club, after a while nawala yung passion niya to write, or maybe wala lang motivation to continue. Nag-quit din siya kasi tinamad na siya to the point na wala na siyang naco-contribute sa club.

Sumali na rin siya sa Campus Journ dati. Na-bored din siyang magsulat kaya nag-quit. Wala din naman interesting na news and headlines kaya tinigil niya na.

Dati rin siyang vice president ng English-Filipino Club pero terminated na rin ngayon ang club na iyon. Hindi niya alam kung bakit pero yun na yung last club na sinalihan niya.

And then came Friday. Nasa gym sila ngayon, studying the basics of basketball. Hindi niya lang magets kung bakit madaming adik na adik sa sports? Bukod sa cause ito ng physical injuries, ano pang exciting dito?

Sa kabilang side ng court ay volleyball naman ang pinagkakaabalahan ng ibang section. Napansin niyang nandun si Ara at sila Mark Lloyd. So, maybe STEM itong mga ito?

"Ano ba yan," sabi ni Jhie habang nakatingin sa mga nagba-volleyball. "Bakit basketball tayo? Dapat volleyball nalang eh."

"Mahilig ka naman sa basketball ha," sabi niya.

"Oo nga, pero mas masaya kasi yung volleyball laruin. Pati pabebe kasi tong mga classmates natin magbasketball."

"Pabebe?" tanong ni Mae.

"Ewan ko," sagot ni Jhie. "Muka lang. Feeling ko lang."

Tumawa naman silang tatlo.

"Judgmental ka talaga," sabi ni Kate.

"Ako lang???" natatawang tanong ni Jhie.

"Okay, edi lahat tayo," sagot naman ni Kate.

After some minutes, nag-start na yung mock game. Kung hindi madadapa, matitisod at madudulas sa court, eh maagawan naman siya ng kabilang team ng bola.

Lumabas na siya after ng first quarter.

"Hindi ko na po kaya," sabi niya sa PE instructor nila. Hinayaan naman siya nito lumabas ng court at magpahinga sa bleachers.

Pinanood niyang masayang naglalaro sila Mae at Jhie. Masaya naman sana kung hindi lang siya lampa at kung totoong nag-eenjoy siya maglaro, pero hindi. At ang gusto niya ngayon ay mahiga sa kama at matulog na buong araw.

Playing sports isn't exactly her thing kahit pa gustong gusto niyang matuto mag-volleyball noong nasa junior high school siya. Badminton naman noong grade school siya. Nag-try siya mag-table tennis noong grade school at nang tumungtong ng grade 9. Hindi nga lang talaga nag-work.

At na-accept niya na yun. Hindi niya na pinipilit.

Ay, wow, shet bro ang lalim.

"Uy!"

Nagulat siya nang may magsalita sa tabi niya. Kala niya stress-free na siya hanggang ngayong Friday pero mali pala siya.

"Ara, may klase din kayo ha," sabi niya.

"Yeah, so?" sagot nito.

Hindi na siya sumagot at uminom nalang sa bottled mineral water niya.

"You're not even watching me, what's the point of playing?"

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now