Chapter FOUR

118 3 0
                                    

Omaygad, birthday na ni Kaye bukas!!!!


--

"Oh my gosh late na ko!" tumatakbong palabas ng bahay si Kate. Hindi na natext ang papa na OFW sa Singapore. Hindi na rin nakapagpaalam sa mama niya na nakatulog na sa sofa.

Every morning kasi gumigising ng maaga ang mama nila, nagpeprepare ng breakfast, ng food na ibabaon sa school, ng gamit nila. Lahat. Kaya minsan kakahintay sakanya matapos magayos, nakakatulog nalang ito.

Hindi na rin niya ginising. At least makakapagpahinga.

At isa pa, late na siya!

9:05 am

Halos isigaw niya sa isip niya lahat ng pangalan ng superheroes para lang dalahin siya ng mga ito sa school. Mostly, si Flash yung tinatawag niya.

Pero walang Flash na dumating. Walang kahit sinong superhero na dumating. Kahit sana si Robinhood nalang.

Sa kamalas-malasan pa nga naman, walang dumadaan na trike para sakyan niya papuntang school.

"Hello, universe, nagttrip ka na naman ba?" tanong ni Kate sa hangin.

Wala namang tao eh, so safe makipagusap sa invisible creatures sa mundong ibabaw. Walang magiisip na baliw siya.

Pero kasalanan talaga to ni Kaye eh. Kung hindi lang siya napakacharming sa apat na videos na yun! Imagine, four videos lang yun inabot siya ng madaling araw kakanood. . .paano pa kung over a hundred na? Edi talaga straight one week wala siyang tulog? Ganon?

KCS na ito.

Kaye Cal Syndrome

Simula ngayon tatawagin niyang Kaye Cal Syndrome tong slightish na kaadikan niya Kaye.

Speaking of Kaye, bakit parang nakikita niya itong bumababa sa isang sasakyan? Omg. Nanaginip ba siya? Nagdedeliryo? Ilang araw na ba siyang puyat? Nakatulog naman siya ng maayos nung isang araw, so wala pang one week.

Unti-unting lumalapit sakanya si Kaye. Medyo nasisinagan ng araw, medyo extra rin yung liwanag nito ngayon. Nakakasilaw talaga. Pero hindi mo kayang hindi tignan.

Huminto ito sa harapan niya, nakangiti.

Walang Superman o Batman o Captain America o Flash na dumating. Pero merong Kaye Cal. Hindi ito nakakalipad, wala ring super powers, pero mas okay. Parang gusto niya iuntog ang sarili sa naiisip. Male-late na nga siya kung ano ano pang sinasabi niya.

Nakatingin lang siya kay Kaye, parang 'anong ini-smile smile mo dyan' look.

"Classmates tayo kay Miss Cindy diba?" tanong nito.

"Ha?"

"Classmates. . tayo. . kay. . Miss Cindy," mabagal na ulit nito, kala mo bata ang kausap. "Diba nga, you're in love pa nga?"

Kahit hindi siya maputi feeling niya namumula yung muka niya. Pahiya siya dun ha. Sabi sainyo witty si Kaye eh.

Naalala niya tuloy yung super awkward introduction niya kahapon. Gusto na nga niyang ibaon sa limot eh.

"I followed you on twitter last night pero di mo ko in-accept," nagpout ito. Nakakainis ang cute naman!

Medyo nagtaas siya ng kilay, "Bakit mo naman ako finallow?"

"Sabi mo diba?" nag-air quote pa ito, "If you wanna know more about me, follow me on twitter?"

Nganga.

Yung puso niya pakipulot! Talagang gusto ng malaglag mula sa rib cage niya.

Umiwas siya ng tingin. May mga trike nang dumadaan, naisip niya chance niya na makatakas sa nakakakabang presence ni Kaye. Papara na sana siya pero nagsalita na naman si Kaye.

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now