Chapter ELEVEN

64 1 0
                                    

Stroll lang daw around town sabi ni Ara eh. Sa hindi malamang dahilan nakalabas na sila ng Cavite.

"Ayan! Fave song ko yan!" sabi ni Kaye nang tumugtog ang Wonderful Tonight ni Eric Clapton mula sa stereo ng sasakyan ni Ara.

"Talaga?" tanong ni Mae. "Mahilig ka pala sa classics?"

Tumango si Kaye, "Oo, eh. Not saying na pangit yung mga kanta ngayon pero... old soul kasi yata ako." Tumawa ito.

"Feel you. Mas gusto ko rin naman yung mga makalumang kanta," sabi ni Ara.

"And I say, "Yes, you look wonderful tonight." Pag-sabay ni Kaye sa kanta habang nakangiti at nakatingin sakanya. Umiwas din naman ito in a fraction of seconds.

Ghaddd. Hindi naman dapat siya apektado, pero pakiramdam niya kahit ang tibok ng puso niya tinatraydor niya.

Ano ba?!

Please, heart, kalma na.

Nanatiling tahimik si Kate sa roadtrip nila. Gusto niyang makisali sa usapan, magsabi ng pieces of information about sa sarili niya, sumang-ayon at makipagtalo – pero hindi ngayon.

Hindi ngayong nandito si Kaye.

"McDo!!!" sabi ni Jhie nang makakita ng malapit na McDo.

Tuwang-tuwa naman din silang lahat dahil sa wakas, after almost 2 hours ng roadtrip nila, kakain na din sila.

After nila mag-drive thru ay nagpatuloy pa rin ang byahe. Medyo hirap din si Ara kumain dahil nagda-drive, so ang usapan, after ni Kaye kumain ay ito naman ang magmamaneho.

"Alam niyo, may pasok tayo bukas," ang ever so KJ na si Kate.

Bagay na bagay. KJ. Kate Jasmin.

"KJ ka talaga, mahal," sabi ni Jhie. "Kaya bagay sayo name mo, eh."

See?

Tumawa si Ara, "Ano ba full name ni Kate?"

"Kate Jasmin," sagot ni Mae.

"Soulmates talaga," natatawa at iiling-iling na sabi ni Ara, tumingin sa rearview mirror para mahagip si Kaye. "Karen Jade."

"Woah," react ni Mae.

"Hala," sabi naman ni Jhie.

"I told you, guys," sabi ulit ni Ara. "You keep on denying it but there's really something about you two."

Nag-roll eyes nalang si Kate habang patuloy sa kinakaing fries. Tumawa naman si Kaye.

Kapag siya at si Ara lang ang magkasama, may paramdam moments si Ara. Kapag kasama nila si Kaye, pinu-push naman siya nito kay Kaye.

So, Ara, ano ba talaga?

Nang matapos kumain si Kaye ay huminto sila sa gilid ng kalsada, lumabas si Ara ng sasakyan at nagpalit sila ng pwesto. Nasa gitna na ngayon si Mae at si Ara ang nasa window.

"Nasan na ba tayo?" tanong ni Mae.

"Nasa Alabang na tayo," sagot ni Jhie.

"Oooh! City life!"

Nagtawanan sila.

"Pero sana talaga makuha ka sa volleyball team!" excited na sabi ni Jhie. "Para naman, finally, may chance na rin tayong mag-champion. Ilang years nang patapon yung volleyball team natin, please, iangat niyo naman ang pangalan ng school natin."

"Oo nga, nakakasawa mag-effort manood tapos talo lang," biro ni Mae. "Joke lang, syempre manalo matalo, support. Pero iba kasi kapag nasatin yung trophy... yung title... yung matatawag mong iyo talaga."

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now