Chapter TWENTY ONE

65 4 0
                                    

Ayaw gumalaw ng katawan niya, para siyang natameme. Nakatingin lang siya kay Kristine habang nakatingin naman si Kristine kay Kaye. Hindi niya alam kung anong itsura ngayon ni Kaye.

Ang bilis din ng tibok ng puso niya.

Bakit siya kinakabahan?

"Uhm," pagbasag niya sa katahimikan. "Una na ko sa loob."

Pinilit niyang kaladkarin ang sarili papasok sa AVT. Hindi naman siya lumingon sa dalawa kasi feeling niya baka bigla siyang mag-breakdown dito.

Naghanap nalang siya ng pamilyar na muka. Si Sandra.

"Uy," sabi nito tapos binigyan siya ng ngiti. "Start ulit in twenty minutes. Medyo maaga ka pa."

Ngumiti nalang din siya at tumulong sa mga dapat gawin. Pinakilala din siya ni Sandra sa ibang members pero wala naman kasi talaga siyang balak makipagkaibigan.

Hindi na bumalik si Kristine sa AVT. Hindi niya na rin nakita si Kaye nang lumabas siya at nagtungo sa lockers area.

Wala naman siyang pakialam... dapat. Diba?

Pero bakit ang kirot kirot ng puso niya ngayon?

Sinarado na niya ang locker niya. Sa di kalayuan ay natatanaw niya si Ara na may kasamang babae. Kung tama ang pagkakaalala niya, ito yung teammate ni Ara sa volleyball, si jersey no. 3.

Napatingin sa direksyon niya si Ara tapos kumaway sakanya. Tapos nakangiting tinuro nito yung kasamang babae. Kinawayan din siya nito. Nginitian niya lang sila at sumenyas na mauuna na.

Wednesday at Thursday, ganun pa rin. Pupunta siyang AVT kahit mabigat sa loob niya tapos pupuntang Skyline mag-isa para kumain, babalik sa AVT, at uuwi.

Friday na ngayon. Ang bigat ng bawat hakbang niya papuntang AVT. Hindi na sana siya pupunta pero kelangan daw lahat ng club members.

"Uy, dyan ka na pala!" nakangiti at very energetic na sabi ni Sandra.

"Parang ang saya saya mo ngayon?" natatawang sagot ni Kate.

"Ha? Lagi naman ako masaya ha."

"Kakaiba kasi yung smile mo ngayon. Anong meron?" nagtatakang tanong ni Kate. Compared kasi sa mga nakaraang araw, yung smile ni Sandra ngayon parang may nais ipahiwatig.

"Wala, ano ka ba!"

Hindi nalang niya pinansin at tinignan kung anong mga ipapalabas nila ngayong araw.

Teka...

"Bakit nandito yung short film namin?" gulat na tanong niya.

Nakangiti si Sandra habang nag-shrug. "That's for me to know... and for you to find out."

Ang labo ni Sandra minsan. Pasalamat siya dahil siya lang ang kilala ni Kate sa club na to kung hindi, nako.

Pinatay na yung ilaw sa loob, sign na magsstart na mag-film showing at may mga papasok na. Feeling ni Kate sobrang laki ng kikitain ng club nila.

Nasa gilid sila ngayon, naga-assist sa mga papasok. Nagulat siya nang makitang ang faculty pala ang manonood ngayon. Nakita niya si Miss Cindy sa entrance pero syempre hindi siya nakita nito kasi madilim.

Nasa harap naman ngayon si Kristine at nagse-set up ng kung ano ano.

Napairap nalang siya sa kawalan.

Nalaman niya kay Sandra na papanoorin pala ngayon ng teachers lahat ng film entry ng bawat section para tignan kung sinong deserving mabigyan ng awardSSS. Kaya pala ngiting aso ito sakanya kanina kasi mataas daw ang chance ng sakanila na makakuha ng parangal.

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now