Chapter SEVENTEEN

58 2 0
                                    


Wala kang karapatan magselos kung hindi naman kayo. Wag ka demanding. Wag ka rin mag-expect masyado. Okay? Hindi naman kayo eh. Chill ka lang.

Naalala niyang sinabi niya ang mga katagang iyan sa kaibigan niya dati nang iyakan siya nito mula sa failed romance. Mutual Understanding shit na kahit kelan ay hindi niya sinuportahan.

MU?

Magulo at Malabong Usapan.

In short, walang kasiguraduhan.

Pero isa lang ang sigurado – wala naman talaga siyang karapatan o dahilan para mag-walk out at the sight of Kaye and... some other girls. She made it clear na siguro mere adoration lang yung nafi-feel niya kasi sobrang lakas ng dating ni Kaye at above all, kakaiba yung boses.

Pero, again, for the nth time...

Bakit?

Nakaka-ilang bakit na nga ba siya since makilala niya si Kaye? Sa dami ng bakit, bakit wala man lang nasagot?

Another bakit.

"Ahh anubayun!"

Napatingin sakanya si Mae na busy sa binabasang libro – isang anthology.

"Ano na naman ba?" tanong nito.

Imbis na sumagot ay tinignan niya si Jhie na kumukuha ng order nila mula sa counter. Nasa Classroom Café sila, isang coffee shop just around town na kakabukas lamang ilang months ago.

"Wala, ang tagal ni Jhie."

Binaba nito ang librong binabasa, lumapit kay Kate at pinanliitan ito ng mga mata.

"Umamin ka nga," sabi ni Mae.

Kumunot naman ang noo ni Kate at napa-"Ha?"

"May gusto ka kay Kaye noh!"

Wala pa naman yung in-order nila pero para na siyang nag-choke sa inumin.

"Mae???"

"Kate?!"

Umirap nalang si Kate at nagpatuloy mag-scroll sa instagram. Bumalik na rin si Mae sa dating pwesto at muling nagbasa ng libro.

"Sobrang denial mo naman kasi," bulong nito pero alam niyang sinadyang marinig niya.

Hindi nalang niya ito pinansin.

Ilang minuto pa siyang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Nagkakagulo sa fb page ng TKC dahil sa babaeng kasama ni Kaye kahapon sa school. Take note, hindi lang basta kasama.

Nakaakbay pa si Kaye habang nagbubulungan ng God knows what.

And that girl also happened to be the girl na nakita rin nilang kasama ni Kaye sa mall few weeks ago, na sinabi ni Kaye na old friend daw niya, who also happened to be their club president sa Act Attack.

Kristine.

What. A. Small. World.

But then... bakit ba ang sama ng loob niya kung may thing man ito at si Kaye? Ano ba sakanya kung mag-girlfriend man si Kaye?

At ano rin ba sakanya kung nagsinungaling sakanya – sakanila – si Kaye for saying she's just an old friend when it's super obvious na there's something fishy going on between the two of them?

Wala naman sakanya dapat, diba?

Diba?

After a few minutes more, dumating na si Jhie with a tray in her hands – kung saan naroon ang drinks na order nila. Sa likod ni Jhie ay may isang staff na may dala ring tray kung saan naman naroon ang food.

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now