Chapter THREE

106 3 0
                                    

Okay lang naman daw na wala pa siyang salihang club/org ngayong week, according to Miss Cindy. Marami pa daw kasing magsusulputang orgs by next week, pati yung mga lumang clubs naghahanap din naman ng new members. Sa dami non hindi naman siguro siya mawawalan ng slot.

Si Mae at Jhie, official teamkayecal na. Masayang masaya pa nga kanina sa daan nila pauwi dahil may privilege daw ang club members, like free merch, laging ieentertain ni Kaye, etc etc.

Wala naman sanang problema kung magpapa-member siya. Gusto niya rin naman talaga. Pero for some reasons, may something na nagho-hold back sakanya.

At hindi niya alam kung ano yun.

Ayaw niyang malaman kung ano yun.

Kaye. Kaye. Kaye.

Out of curiosity, sinearch niya ang pangalan nito sa facebook. Karen Jade Cal.

No search results found.

"Bakit wala?" tanong niya sa sarili. "Ah, baka nickname."

Kaye Cal.

Pagkaclick ng search, may mga profiles na lumabas. Sobrang dami! Hindi niya alam kung anong pipindutin. May fan pages din, meron pang groups.

"Wow ha. Di ko alam celebrity pala to si Kaye. Napakadami ng fanpages jusko daig pa yung mga totoong artista."

Inisa-isa niya yung fanpages, mostly fangirls lang. Hindi legit na si Kaye ang nagha-handle. May mga fans pala siya sa Davao. Yung mga bagong gawang fanpages and groups, for sure, sa school na nila yon.

Yung mga HASHTAG TEAMKAYECAL.

Clinick niya yung group na Official teamkayecal. Sasali sana siya pero nagulat siya nandun na si Jhie, Mae, at Alyza. Hindi lang yun, pati sila Patricia, Desa at Claudette kasali na rin.

Back.

"Stress naman, super fangirls na yung friends ko."

Naghanap siya sa people. Nakita niya yung Kaye Jade Cal. Mukang eto yung legit na account ni Kaye. Nagulat siya kasi meron kagad 5 thousand followers. At syempre, nakafollow na yung mga kaibigan niya. Inistalk niya rin ito sa twitter at instagram. . .at tama kayo, naka-follow na dun yung mga kaibigan niya kaya di na siya nag-abalang i-follow si Kaye.

Tinignan niya yung pictures ni Kaye. San banda dito na babae siya? Wala ngang kahint hint although may times na makikita mong maliit yung body frame niya compared sa mga lalaking kasing-height niya. Pati yung shape ng muka niya, balakang at legs.

Still. . .mas gwapo pa rin kaysa sa ibang lalaki.

Sa mga captions nito sa instagram, nalaman niyang may sense of humor ito. Bigla nalang siyang natatawa sa nababasa niya so super dagdag pogi points.

Tinigil niya ang pagsstalk dito. Parang malalaglag yung puso niya, para siyang mauubusan ng hangin.

Sinarado niya ang laptop at humiga sa kama.

"Hindi pwede," sabi niya. "Hindi pwede, ok? Bawal."

Sobrang nakaka-frustrate na crush niya lang naman dapat si Kaye pero hindi niya alam kung bakit pinapagbawalan niya ang sarili.

Bakit? Anong meron? Anong problema?

Hindi ba talaga niya alam, o meron namang sagot. . .at ayaw niya lang pakinggan?

Biglang tumunog ang phone. Medyo tinatamad siyang tignan, baka hindi naman importante. Baka kung sino lang.

Kaysa tignan kung ano o sino ang laman ng notification, tinabi niya nalang ito sa bedside table, binuklat yung librong ilang araw na niya binabasa.

Twilight by Stephenie Meyer

Crush na crush niya talaga si Edward Cullen kaya kahit ilang beses nang natapos basahin, inuulit ulit pa rin. Plus pa na ang gandang lahi lang talaga ng mga Cullens kaya mas nakakamotivate basahin. Hihi.

Tumunog na naman ang phone niya. Isa na namang notification. Pero hindi pa rin niya kinuha. Ayaw niyang kunin dahil baka kapag hawak niya na, magstalk na naman siya.

Isa pang buzz. Tapos isa pa ulit. Parang may nagsspam ng messages sakanya.

"Sino ba kasi to, my gad."

Umupo siya sa kama, inabot ang phone mula sa table.

Puro notifications galing sa facebook, may isa sa twitter. Binuksan niya muna yung sa facebook kasi ayun yung hashtag no chill eh.

In-add siya ng mga kaibigan niya sa group na Official teamkayecal! Napa-facepalm siya mentally. Gosh. Isang malaking gosh talaga!

Pero syempre, dahil nandito na, lulubusin niya na ang stay dito. Scroll down, down, down pa. Hanggang sa napunta siya sa isang admin post: Random Facts about Kaye.

Huh? Totoo kaya tong mga to or gawa-gawa lang nila? Kasi, kung fangirl ka rin, maiintindihan mong may ibang fans who go overboard at nadadala ng imaginations. Mamaya, isa si admin sa mga yon.

Nonetheless, tinap niya pa rin.

- May fear of heights

- her dog's name is Luna

- favorite chocolate is Hershey's

- magaling magdrawing

- mahilig sa flowers

- fave flowers niya ay sunflower and rose

- music is her passion

- can play guitar, drums and piano

guys ayan muna for now ayan palang naco-collect kong info about our bebe kcal : )

Tama yung basa niya diba? Her? Inaddress nilang 'her' si Kaye. . .ibig sabihin, alam nila?

Alam nila tapos ok lang?

Teka nga, bakit ba kasi ang big deal sakanya? Naiinis siya, gusto niya iuntog ang sarili sa pader.

Pero ang cute ng 'kcal' ha.

Hindi siya makatulog kaya't hinayaan nalang niya ang sariling magpatianod sa alon ng posts na puro Kaye-related sa group na iyon.

Para siyang undercover fangirl. Lowkey lang. Or much better kung. . .in secrecy.

Kada picture ni Kaye na makikita ay humihinga siya ng malalim. May something talaga sa smile nito that pulls you closer, it's like digging a deep hole para dun mo na i-bury yung sarili mo.

Sobrang. . .hirap umahon kapag nakalubog ka na. It's like. . .okay, dito nalang ako, ang sarap mahulog sa hole na to. Ang sarap mahulog kay Kaye.

Napa-roll eyes siya sa idea. No.

May isa pang post na na-catch yung attention niya.

Guys!! May youtube channel pala si Kaye! Nagpopost siya ng videos ng song covers niya, eto yung link ng channel!

Super curious na niya. Pinuntahan niya yung channel daw ni Kaye. May mga song covers nga siya. So far, 4 videos pa lang ang na-post niya. Pinanood niya lahat, from I Wanna Know to Beautiful Goodbye to Lego House at yung latest upload na Ikaw Lang.

After niya manood literal na nakanganga lang siya. Laglag panga. Parang gustong umisa pa.

Sobrang ganda ng singing voice ni Kaye!! Speaking voice pa nga lang para na siyang matutunaw eh, ano pa yung kumakanta na!

Nakailang ulit ulit pa siya ng videos nito, sobrang na-LSS siya sa cover nitong Beautiful Goodbye ng Maroon 5, ang lamig ng boses tapos ang deep. Pwede pang patulog.

Speaking of tulog, saka niya lang narealize na almost 4am na pala. Hindi na naman bago sakanya magpuyat o mapuyat, ang problema eh may pasok bukas at baka hindi siya magising ng maaga.

Pero ang totoong problema talaga. . .

Pano siya ngayon matutulog nito kung mas gugustuhin niya pa panoorin si Kaye magdamag?

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now