Chapter TWENTY TWO

51 3 0
                                    

"Kate ayusin mo naman! Wag ka kasi mailang. Para to sa project natin oh."Sabi ni Mico. Halatang halatang naiinis na ito pero kasi hindi naman si Kate sanay sa ganitong ka-intimate scene! She values her personal space so much kaya hindi tuloy niya alam ang gagawin ngayong sobrang lapit nila ni Kaye sa isa't isa.

"Implied kissing scene lang ito, meaning, hindi totoo, papalabasin lang na nag-kiss kayo kahit hindi. May mga napanood naman siguro kayong ganun sa mga movies diba?" sabi rin ng director-slash-classmate nila.

"Game na kasi! Wala namang malisya." Sabi ni Mae tapos nginitian siya ng nakakaloko.

"Wala nga ba?" natatawang kumento pa ni Jhie.

Ara kasi eh, umalis pa. Sa isip ni Kate.

"Ready na ha? 3, 2, 1... Action!"

Unti-unti nang lumapit si Kaye. Ramdam ni Kate ang mainit na hininga ni Kaye na ngayon ay tumatama sa tenga niya. Shocks! May kiliti pa naman siya sa tenga. Sobrang lapit na nang muka sakanya ni Kaye halos walang wala nang pagitan. Ilang na ilang din si Kate kasi may nakatutok na camera at bawat angle yata kinukuhanan sila.

Pumikit nalang si Kate para ma-feel niya yung scene. Kunyari nalang siya talaga si Pie at kaharap niya si Kim. Dadamhin nalang niya yung character niya.

Medyo nakaharang yung ilang strands ng buhok niya sa muka niya kaya tinuck ni Kaye ang mga ito sa tenga niya. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Parang nauubusan siya ng oxygen.

Kunyari lang naman diba?

Kunyari lang dapat.

Pero naramdaman niya, nagdikit talaga yung lips nila ni Kaye.

Inis na inis si Kate habang nakatingin sa malaking pinto ng AVT. Bakit lumabas si Kristine? Ano bang eksena nun? Project lang naman to diba? It's not like she suggested this whole thing eh if anything nga siya pa yung against sa scene na yun.

Nag-iinit ang ulo niya at parang gusto niyang hanapin bigla si Kristine para i-confront ito.

Hindi niya inaagaw ang... err... girlfriendnito sakanya. Sure, nalilito siya sa feelings niya kapag nandyan si Kaye pero that's the point.

Nalilito lang siya.

Ayun lang yun.

Bakit ba napaka-sensitive ni Kristine? At hindi man lang ba inexplain ni Kaye yung totoong dahilan kung bakit biglang si Kaye yung nandun at hindi si Ara? Nakakainis! Ahhh!!!

One of these days, magqquit na talaga siya sa Act Attack. Hahanap nalang siya ng ibang club or org, yung walang sensitive na club president.

Ugh.

"Uy, okay ka lang?" tanong sakanya ni Sandra.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Kasi ang sakit na eh."

Kumunot ang noo niya. "Ha?"

"Ayan oh." Turo nito sa nakabaon na kuko niya sa braso nito. Agad naman siyang napabitaw.

"Hala sorry! Sandra, sorry!"

Tumawa si Sandra, "Ayos lang. Ano ba nangyari sayo?" Sabi nito at chineck kung may sugat bas a braso nito.

"Wala, wala. Sorry ulit. Punta nalang tayo sa clinic mamaya."

Ngumiti lang si Sandra at nag-nod. Napansin naman ni Kate na nakatingin pala sakanila si Kaye. Hindi niya ito pinansin at nanonood nalang ulit.

Naiinis din siya kay Kaye.

Grabe ang romantic nun. Sila na ba? Sila na noh?! Oo sila na sis, mag-focus ka. Ayan oh gusto nga ni Pie itago yung relationship nila. Bruha talaga napaka-arte. Ibig sabihin ba nun... tomboy na rin si Pie? Ewan ko sis, tanong mo siya, wag ako!

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now