Chapter TWELVE

55 1 0
                                    

After that roadtrip, guess what?

Grounded siya for going home late. Alam na kasing strict ang parents, hindi pa nagpaalam.

After that Monday night too, nag-shift ng course si Ara to ABM (Accountancy, Business and Management). Narealize daw niyang gusto niya maging Entrepreneur someday. Classmate niya ngayon si Desa na nasa ABM din.

So bale, Alyza, Patricia, Claudette and Mark Lloyd ay STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics). Desa and Ara sa ABM. Kate, Jhie and Mae sa HUMSS (Humanities and Social Sciences). While, si Kaye, nasa Arts and Design. Pero classmate nila ito sa Homeroom class.

Nasa gym sila ngayon. Hinihintay matapos si Ara sa training, which isn't happening any time soon kasi tingin nila talagang gagabihin sila ngayon. At oo, nakapasok ito sa Volleyball team!

"Ang galing talaga ni Mika," sabi ni Jhie. "Ang tangkad pa sobra."

"How to be you po 'teh," ani Mae.

Nagagalingan din siya – sobra. Kaso nga lang kasi, for the nth time, hindi niya naman hilig manood ng mga ganito.

At hanggang ngayon wala pa siyang club na nasasalihan. Tuwing Wednesday tuloy hindi siya napasok. Kapag Wednesday kasi buong araw nasa clubs/orgs lang kayo para magasikaso ng activities within the club. So, siya, wala. Either nasa library siya buong araw or natutulog sa bahay.

"Alis muna ko ha, text nyo nalang ako," sabi niya tapos lumabas ng gym.

Bumalik siya sa SHS building. Nagikot-ikot sa halls, baka at last, may interesting na club. Pero wala pa rin.

May nakita siyang poster ng club na Music Guild. She wonders if Kaye considered joining doon? Kasi from her youtube covers, may talent talaga siya sa music. Sayang naman kung sasali siya sa TKC tapos wala naman siyang macocontribute aside sa presence niya.

Okay din na nandoon siya pero kasi diba? Parang muse lang siya doon. Display.

Bakit nga ba niya iniisip si Kaye ngayon samantalang siya ang nangangailangan ng club. Napabuntong hininga siya.

After that Monday night, kahit sa homeroom, hindi siya tinitignan ni Kaye. Wala naman dapat sakanya, diba? Wala nga siya dapat paki. Hindi siya dapat affected.

So, bakit?

"Kate!"

Nakita niya si Desa na tumatakbo sa hallway. Buti nalang at wala masyadong tao sa hallway dahil class hours pa. Except sakanya kasi vacant nila ngayon.

"Hyper mo ha."

Medyo hinihingal-hingal pa ito kaya hinayaan niya munang huminga.

"Kaya mo yan," natatawang sabi niya.

Umupo muna sila sa mga upuan sa hallway at nang makabawi si Desa ay nagsalita na ito.

"May isusuot na kayo sa party?"

Napasimangot siya. At risk din tuloy pati ang pagsama niya sa party next week kasi nga...

Clue: grounded siya.

"Ewan ko eh," sagot niya. "Diba nga, grounded ako?"

"Oo nga pala," sumimangot din si Desa. "Di kayo nagyayaya ha!"

Nang malaman kasi ng mga ito na may roadtrip adventure pala silang lima ay nagtampo ang mga ito na hindi man lang sila niyaya.

"Eh kasi nga may class kayo nun, kami nag-cut. Pati biglaan yun."

Nagpout pa ito. Tumawa lang siya.

"Basta dapat kasama ka sa party ha," sabi ni Desa. "Sige na may practice pa kami sa dance club. Laters, Katie!"

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now