Chapter NINETEEN

66 5 1
                                    

Ilang oras na siyang nakatingin sa sariling repleksyon mula sa salamin ng kanyang kwarto.

Muka na ba siyang tao? Pwede na ba? Ok na?

Sinabi naman ni Mico na magcasual lang siya. Any top, shorts and wedge. Ganun kasi manamit si Pie sa movie. Tapos dala nalang ng extra clothes para syempre iba iba suot niya per scene.

Bumuntong hininga siya matapos mareceive ang text ng bestfriend.

Jhie: mahal nandito na kami. San kna?

Pupunta pa ba?

May bumubulong na huwag na.

Maya-maya ay may biglang bumusina sa labas ng bahay nila. Hindi niya pinansin dahil busy siya sa pagwo-worry sa itsura. At isa pa, siguradong iche-check naman yun ng mama niya.

Ilang sandali pa ay pumasok ang nakababatang kapatid niya, si AJ o Andrea James. "Te, hinahanap ka ng classmate mo sa labas."

"Ha?"

Natatarantang chineck niya ang sarili for the last time. Cute na blue blouse, denim shorts, at wedge shoes.

Mukang ok naman.

"Oo, dalian mo na." sabi muli ni AJ at lumabas na ng kwarto niya.

Huminga ulit siya ng malalim.

Eto na! Sana kumalma na siya!

Pagkababa ay nakitang nasa sala si Kaye – what?! Bakit nandito si Kaye? Sinong nagsabing sunduin siya nito?

Arghhhh.

Nginitian siya nito at tumayo sa sofa nang makita siya. Gwapong gwapo rin ito sa simpleng long sleeves, shorts at white shoes na suot.

Umiwas siya ng tingin.

Nakakainis naman.

"Ma, alis na kami ha." Paalam niya sa mama.

"Okay sige, mag-text ka sa papa mo tapos text mo ko kung susunduin ka na."

"Opo."

Nag-kiss muna siya sa cheek ng mama niya bago lumabas ng bahay.

"Bakit ka nandito?!" tanong niya pagkaapak na pagkaapak nila sa labas ng bahay nila Kate.

"Sinusundo ka?" confused pa na tanong nito na parang normal lang na sunduin siya.

"Duh. Oo nga, bakit?"

Ngumiti ito ng matipid. "Sabi ni Mico eh."

Ay. Oh. Mukang napilitan lang din naman pala si Kaye. Kahit naman nagpapanggap siyang naiinis siya, masaya rin naman siyang nandito ito ngayon.

Mukang the feeling's not mutual.

Pumasok na sila sa kotse. Mabagal ang pagddrive ni Kaye.

"Wala ka na bang ibibilis?"

Tumawa si Kaye.

"Oh anong nakakatawa?"

"Kuhang kuha mo na yung kasungitan ni Pie sa movie."

Inirapan niya nalang ito at nilabas ang phone para hindi na siya kausapin pa muli ni Kaye. Naiinis pa rin siya sa rumors.

"So, kamusta?" tanong nito pero eyes on the road pa rin.

"Ayos lang," sagot niya rin pero nakatingin pa rin sa phone niya.

"Anong pinagka-busy-han mo nung mga nakaraan?"

Nilingon niya ito. "Wala naman. Ikaw ba, anong pinagkaka-busy-han mo?"

Maliit na ngiti lamang ang tinugon ni Kaye. Umayos ng upo si Kate at hindi na rin nagsalita.

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now