Chapter TWO

160 3 0
                                    

"Gosh ang cool ng name. Pang-girl."

"Kaye? Bakit ka umalis ng Davao?"

"Okay lang ba kung tayuan ka namin ng fans club?"

"Gumawa nalang tayo ng club dedicated kay Kaye! Okay ba? Miss, okay lang

naman diba?"

"Pwede! Pwede! Tapos magrecruit na tayo ng members mamaya!"

"Gagawa tayo ng mga merch para kay Kaye tapos—"

"Wait nga lang! May girlfriend ka na Kaye?"

"Pwede mag-apply?!"

Ayan. Ayan ang follow-up questions after ni Kaye magpakilala.

Akala niya intrigued din sila sa kung bakit Karen Jade 'Kaye' ang pangalan nito. Mukang siya lang naman pala ang nakapansin at ginawa itong big deal.

"Class!" sigaw ni Miss Cindy. "Hindi naman academic-related ang questions nyo. Enough of that."

Nawala ang kaninang sobrang ingay na boses ng classmates nila. Napalitan ng silence. Croo. Croo. Pero lahat naka-heart eyes pa rin kay Kaye. Yung ibang boys medyo amused.

Awkward lang na nakasmile si Kaye sa harap pero, sobrang gwapo pa rin. Sobrang cute pa rin.

Parang sa mata ni Kate, nagliliwanag.

"Okay na ba Kaye? No more additional information?" tanong ni Miss Cindy.

"Yes po, Miss, thank you," sagot ni Kaye. Ngumiti muna sa maiingay na girls kanina bago bumalik sa pwesto.

Sobrang deep and manly ng voice, pero for some reasons, pang-girl ang name.

Hindi nya alam kung bakit bothered siya sa name nito. Ano naman? Ang kapatid niya nga Andrea James ang pangalan pero babae eh.

Baka malakas lang din ang trip ng parents ni Kaye katulad ng parents niya?

Pero again, so what? Why should it matter? Hindi naman niya crush si Kaye.

Or. . .hindi nga ba?

Siguro nga hindi naman.

Natapos ang first period. Nasa cafeteria sila dahil saan ba naman nagpupunta ang mga estudyante kapag may 15-min break?

"In fairness. . .pogi yung chinecheck out ni Kate kanina. Kaya siguro super out of focus ka," sabi ni Mae.

"Pero something's off. Itsurang lalaki, boses lalaki, kilos lalaki, tapos Kaye? No offense meant Kate sa crush mo ha. Confusing lang talaga," sabi naman ni Jhie.

"Oo nga eh super sexy ng speaking voice niya tapos ang red ng lips parang okay siya i-kiss. Ang ganda rin ng kamay niya parang okay siya ka-holding hands," dreamy at wala sa sariling sabi niya. Pinaglaruan niya ang straw ng iniinom nyang milkshake.

"Pero bakit siya Kaye?" dagdag na tanong ni Kate.

"Tignan mo! Sasabihin mong hindi ka distracted kanina, tama naman pala ako. At first day na first day may crush ka na hmm." sabi ni Alyza.

"Girls," umayos siya ng postura. Mula harap mukang likod. Charot. Mula harap, hanggang likod, diretso. May seryosong expression din sa muka.

Naintriga ang tatlong kaibigan.

"Ano?" tanong ni Jhie, naghihintay ng sobrang juicy na sasabihin ni Kate.

Nanatili siyang nakakatitig sakanilang tatlo.

"Ano nga?" sabi naman ni Mae, medyo naiinip na.

"Ano nga sabi eh!" sigaw ni Alyza. Tuluyan nang na-curious sa kung ano bang gusto sabihin ni Kate.

Wonderful TonightDär berättelser lever. Upptäck nu