Chapter FIVE

115 3 2
                                    




Iniisip niya pa rin kung anong ire-reason out sa 'dm' kuno niya na gawa ni Maemae. Hindi pa rin naman nagre-reply si Kaye, hindi rin siya seen. Wala. Literal na wala.

Ganun pala feeling ng ma-ignore? Wow, Kaye!

Pero pwede rin namang busy person lang si Kaye, maraming nilalakad, or whatever. Diba?

"Ayokong isiping in-ignore niya ako," sabi ni Kate sa sarili habang nakatingin sa salamin.

"Hindi," sabi niya pa ulit habang umiiling-iling. "Hindi niya ako in-ignore."

Weird habit niyang kausapin ang sarili at mag-pretend na sumasagot ang reflection sa salamin. Mas nalalabas nya yung thoughts niya this way, at least may nakakausap siyang mukang tao (reflection niya) without actually having to talk to a real person.

Medyo hindi kasi siya mahilig sa tao eh.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto, "Hoy, te, nandyan sila ate Jhie sa labas."

"Ha?" napatingin siya kay AJ. "Bakit daw?"

"Ewan, may group study daw kayo," sabi nito tapos lumabas na rin.

Napatawa siya internally. Group study? With Maemae and Jhie? That's 10x impossible kasi wala naman silang ibang nagagawa kapag magkakasama kundi puro kalokohan lang.

Tinignan niya muna ng huling beses ang sarili mula sa reflection sa salamin bago tuluyang bumaba. Naabutan niyang nakaupo sa sofa ang mga ito habang nagtatawanan.

"Yes?" tanong niya nang makarating sa harap nilang dalawa.

"Aalis tayo," sabi ni Jhie.

Parang hindi yata siya informed?

Tumaas ang isang kilay niya, "Saan tayo pupunta?"

"Hello? Mabuti ng prepared tayo sa party ng maaga kesa last minute tayo mag-prepare diba? Kaya magsha-shopping na tayo," sagot ni Mae.

"Hoy," sabi niya tapos nag-cross arms. "Baka nakakalimutan nyong hindi naman ako pupunta sa party na yan?"

Tumayo si Jhie, "At sinong pumayag na hindi ka sasama?"

"Ako, kasi buhay ko to, ok—" naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang phone niya.

Kinabahan siya kasi ayun yung sound alert ng twitter.

Baka. . .

Baka si Kaye na?

Dahan-dahan niyang chineck yung phone niya. After makita kung ano ang nasa notification ay biglang nanlumo siya.

Uy, nanlumo. Big word.

@teamkayecalWLH wants to follow you.

Pero, bakit? Why? Why? Why? Bakit siya pinafollow ng TKC-WLH? (TeamKayeCal - WonderLand High) Anong meron eh hindi naman siya member or what! As much as possible nga, she tries to stay away from anything related to Kaye.

So, why??

"Bakit ka nila finallow tapos ako hindi pa napa-follow back?" sabi ni Mae.

"Ako rin! Huy, ang unfair naman," sabi ni Jhie.

"Sino ba to?" tanong niya kahit deep inside alam naman niya yung sagot.

"Syempre yung nagpasimuno ng club na to. Yung mga club officials, teamkayecal - Wonderland Academy."

"Ganun," sagot niya. Kunyari hindi interested kahit confused na siya to the highest level kung bakit finallow siya ng fans club ni Kaye.

Ni-lock na rin niya ang phone, hindi alam kung ia-accept ba oh wag na. But then, bakit naman hindi ia-accept? Bitter much? Arte much? Pakipot much?

Wonderful TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon