Chapter TWENTY THREE

76 4 0
                                    

After ng coronation, umuwi na sila. 10pm na rin. Mamaya-maya magsstart ang party. Hindi niya alam kung pupunta pa ba sya.

At yay! Title holder si Jhie habang 1strunner up naman si Desa. Walang nakuha yung mga escorts nila kasi halatang tinatamad sa stage kanina at parang hindi naman talaga interested kaya sa lower year kumuha ng placers.

So yung party, para kay Kaye at celebration din kasi galing sa TKC yung Ms. Wonderland ngayon.

Sinabi rin nila Jhie na susunduin siya ng mga ito sa bahay before 7, kaya dapat prepared na siya pagdating nila.

Pero wala nga kasi siyang balak magpunta. Ano namang gagawin niya dun? Eh puro club members malamang yung pupunta.

At syempre si Kaye. Na gusto rin naman niya makita.

Pero bawal.

Ewan niya kung bakit bawal.

Bakit nga ba bawal, ha Kate?

Kristine.Duh.

Tumunog ang phone niya, nagfacetime si Jhie.

"Mahal anong oras na ha! Magayos ka na dyan, magkasama na kami ni Mae ngayon."

Eh hindi nga siya sure kung papayagan ba siya ng magulang niya eh. Sobrang strict kasi ng parents nya, kahit nga sa mall lang pahirapan magpaalam.

Lumabas nalang sya ng kwarto.

Ano bang pwedeng makain dito? Lately, nagsstress eating talaga siya eh. Parang lahat ng makita kakainin niya na, kahit yata ref papatulan niya na.

Bukas. Sara. Bukas. Sara.

"Te, balak mo sirain yung ref natin?" nagulat siya nang biglang makita si AJ sa likod niya.

AJ means Andrea James. Ang cute ng name noh? Parang hindi sure kung babae ba oh lalaki nung pina-ultra sound kaya para sure may pangbabae at panglalaki nalang.

"Si mama?" tanong niya.

"Bakit?"

"San nga?"

"Bakit muna?"

Hindi na niya napigilan mag-roll eyes. Nilampasan niya na ito at bumalik nalang sa kwarto. Magbibihis na siya. Bahala na kung payagan oh hindi.

Simpleng black collared-dress na may maiksing sleeves lang ang suot niya. Tapos 3 inches wedge. Kelangan mag-heels kasi nga maliit siya.

Nagaayos palang siya ng mukha nang may magbusina na sa labas nila. Sila Jhie na ba yun? Tinignan niya ang phone, wala namang text. Ang hilig talaga nila mangbigla.

Nagmadali na siyang mag-ayos. Pagbaba niya nagulat pa nga ang mama niya dahil ayos na ayos siya. Nakakulot pa ng bongga ang buhok! Nagulat din siya kasi anong oras na gising pa ang mama niya.

"Oh, san punta, te?" sabi ng mama niya.

Nagsmile lang siya, "May party kasi ma eh."

"Para sa school ba yan?"

"Hi..." napatigil siya. Para sa school naman talaga diba? Sa club sa school nila. "Opo," biglang bawi niya.

"Okay, sunduin kita maya? Ano oras ka uuwi?"

Gustong malaglag ng panga niya pero she kept it cool. Puamayag ang mama niya.

BAKIT?

Usually super strict nito eh. May nagbusina na naman sa labas.

"Wag na ma, may maghahatid naman sakin eh. Alis na ko ma."

Nag-text muna siya sa papa niya. Alam niyang yari na naman siya kasi hindi siya nag-facetime pero kasi kanina pa sa labas sila Jhie eh. Nang mag-send ang text, nagbeso na rin siya sa mama at lumabas. At tulog na rin naman ang papa niya kaya malamang kinabukasan na nito mababasa ang text niya.

Wonderful TonightΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα