Chapter FOURTEEN

67 1 0
                                    

Binaba ni Ara ang window ng kotse. Bumukas din ang sa backseat at nakitang nandun pala ang mga kaibigan. Sa shotgun nakaupo si Jhie, sa likod ay sina Mae, Alyza, Patricia at Mark Lloyd.

In fairness, akala niya sa car ni Jade sila ngayon. Hindi pala nagsama ng boyfriend si Mae.

Classmate nila Mark ang boyfriend ni Desa at feeling niya ito ang kasabay ni Desa tapos kasama rin nila si Claudette.

At kung puno na ang car ni Ara, ibig sabihin hindi nito intended na sunduin siya diba?

Huminga siya ng malalim. Nagkatinginan din sila ng mga bestfriends niya. Na-gets naman nila kaya bumaba si Mae sa kotse ni Ara.

"Kaye!" sabi ni Mae tapos hinila niya ito. "Tara na!"

Pumasok si Mae sa kotse ni Kaye at in-occupy ang passenger seat. Sobrang siyang nagi-guilty pero wala naman siyang magawa. Umandar na rin ang sasakyan ni Kaye after a few seconds. Tapos nag-wave na rin si Ara sakanya at umalis na rin ang mga ito.

Sila nalang ni Migz ang naiwan.

"Mga friends ko nga pala yun," sabi niya nang makabawi. "Nakalimutan ko sila ipakilala sayo."

Ngumiti si Migz, "Okay lang. Pwede pa naman mamaya."

Biglang tumunog ang phone niya. Text galing kay Mae.

Mae: di mo sinabing kilala mo pala si Migz?!

Ano ba naman to, lahat nalang kilala? Pati childhood friend niya na halos di niya na mamukaan kilala rin?

Kate: why do u even know him?

Mae: siya yung sinasabi kong isa pang hunk from our school few weeks ago! can't believe u know him!

Tinago niya na ang phone sa pouch at pumasok sa bahay. Nagpaalam sa mama at sa papa na nasa facetime. Mahigpit din sinabing by 12 dapat daw nakauwi na siya.

Kasi grounded pa rin naman siya. Hinayaan lang siya sumama sa party na to kasi school activity naman.

Nang makapasok sa school premises ay mabilis na nag-park na sila ng kotse at dumiretso sa gymnasium.

Madami na ring tao – from different tracks and strands. At grabe, hindi niya inakalang ganito kadami ang estudyante ng Wonderland High.

May iba't-ibang booths from different clubs. Pwede ka mag-avail ng merch ng mga clubs like shirts, pins, bags, pens, at kung ano ano pa. Pinaka nag-standout sakanya yung sa TKC.

May malaki kasing ulo ni Kaye.

Ewan niya kung matatawa siya or what. Pinili nalang niyang mag-poker face para hindi siya mahalata.

Nag-wander siya around the venue, trying to find her friends' table. Sana lang kasya pa two persons.

And there, nakita niya ang mga kaibigan niya sa iisang table. Wala nga lang si Desa kasi nandun siya naki-table sa boyfriend niya. Sanay naman sila na sa mga gantong events hindi nila nakakasama si Desa kasi nga medyo strict yung boyfriend nito. Minsan wala rin magawa si Desa.

"Dyan na silaaaa," sabi ni Mae na mukang excited lang kay Migz.

Tahimik lang si Kaye.

"Hi," sabi niya sa mga ito tapos nag-settle na silang dalawa ni Migz sa vacant chairs. Nasa harap niya si Kaye nakaupo.

"Hi Migz!" sabi pa ulit ni Mae. "Mae nga pala."

Nakipag-shake hands si Migz kay Mae. Tapos isa-isa na rin nagpakilala yung mga friends niya kay Migz.

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now