Kabanata 1 - Phone Calls, Chemistry, and Force

165 9 0
                                    

Kabanata 1

Phone Calls, Chemistry, and Force

November. Monday

Lungsod ng Tacloban, binayo ng bagyo...

Tacloban City, binabayo ng matinding hangin at ulan dulot ng

bagyong Yonda...

2 yrs. old na bata, patay matapos tamaan ng kidlat...

No classes: San Juan (All levels)

No classes: Pasig (All levels)

No classes: Mandaluyong (All levels)

....

NO CLASSES: CAVITE (ALL LEVELS)

"Yes!" Napasigaw si Nikolai, ang aking bunsong kapatid, sa tuwa habang lumulundag-lundag nang malaman na wala kaming pasok ngayon dahil sa bagyong Yonda.

"Niknik, bad ang maging masaya dahil lang wala kang pasok. Habang yung iba ay namamatay na sa bagyo." Sabat ni Ate Nina, yaya ni Nikolai, habang pinag titimpla siya ng gatas.

"Sorry, but I should still be sleeping right now." Nakabusangot ang kanyang mukha habang umaalis ng hapag kainan at nag mamadaling hubarin ang kanyang uniform.

"Niko! Hindi mo pa nauubos yung gatas mo!" I tried to stop him from climbing up the stairs and just sighed in defeat because I knew I did not stand a chance. Tinulungan ko nalang si Ate Nina na magligpit ng hapag kainan nang narinig ko ang usapan nila Mommy at Daddy.

"Francis, hindi ko ma-contact sila Nanay at Tatay baka kung ano na ang nangyari sa kanila." Natatarantang sambit ng aking ina habang nagtitipa sa kanyang cellphone para mag redial.

"Baka naman wala lang signal doon ngayon umupo ka muna at kumalma." Sabi ng aking ama habang hinihimas ang magkabilang braso ng aking ina mula sa kanyang likuran.

BAHA SA TACLOBAN, MABILIS NA TUMATAAS...

Nakapaskil ang balitang ito sa telebisyon at sabay nito ay pinapakita ang kalagayan ng Tacloban kung saan basag-basag na ang mga salamin sa mga gusali at tinatangay ng baha ang mga kagamitan ng mga residente doon. Isa-isa na din pinapakita ang mga tao na lumalangoy sa baha upang pumunta sa Evacuation center.

"Gaby, please turn the TV off. It's scaring your mom." Utos sa akin ni dad.
Agad ko naman sinunod ang utos at lumapit sa kanila sa sala. "Would you like some tea, mom?" I handed her a cup of tea in an attempt to calm her down. Tinanggap naman niya ito at niyakap ang aking braso bilang pasasalamat.

Kinabukasan ay wala pa din kaming pasok at mas lalo nang nag aalala si mommy dahil hindi pa din niya macontact ang mga magulang niya.

"Honey, please eat something you are scaring us." Pagmamakaawa ni dad dahil hindi pa kumakain si mom simula pa kahapon.

"Francis, I do not have the stomach to eat something knowing that my parents might be in trouble at this moment." Mom frantically replied. She looks like she's losing it, palagi lang niyang hawak ang kanyang cellphone at paulit-ulit na sinusubukang tumawag sa parehong numero.

Mayamaya ay tumunog na din ang home telephone at dali-dali niya itong sinagot nang hindi man lang tiningnan kung sino. "Hello?" Mabilis niyang bati.

"Ma!" She finally sobbed. Her hands shaking as she tried to get a proper grip of the telephone. "Ma, kamusta kayo? Bakit hindi niyo sinasagot ang tawag ko? Si Papa nasaan? Ma, bakit ngayon lang kayo tumawag?" Pinaulanan niya ng tanong ang kausap sa telepono. Dinaluhan siya ni Dad para yakapin mula sa kanyang likuran.

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon