Kabanata 12 - Hunting, Eavesdropping, and Kissing

42 2 0
                                    

Kabanata 12

Hunting, Eavesdropping, and Kissing

"Gaby?" Nag mamadali namang dumalo sa aking tabi si Sabrina Reese nang nakita niya ako sa lobby. "What happened? I saw Keith walking away from the building, akala ko sinundan ka niya."

"I-I...I screwed up." Tanging usal ko. Namumuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko inakala ang bigat ng mga salitang nabitawan ko. I am such a horrible person.

Sabrina Reese hugged me tight and I hold on to her dearly. "It's okay, umuwi nalang tayo sa inyo. I can stay over at your place if you want."

Tumango lamang ako bilang sagot.

Tinawagan ko si Manong Ben at ipinaliwanag na ihahatid na lang ako ng driver ni Sabrina Reese. Wala namang tao sa bahay bukod sa mga katulong, dumalo daw si Mommy sa Dentists' convention sa Subic, Pampanga at dinala niya si Nikolai. Si Daddy naman ay nag overtime sa office at mukha bukas pa uuwi. Hindi pa din daw umuuwi si Keith. It's just me and Sabrina Reese.

"Buti nalang sinamahan kita dito dahil ikaw lang pala mag isa ngayon sa malaking niyong bahay." She said lightly.

"I feel horrible," Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. "Una si Rachel, ngayon naman si Keith. I can't stop my mouth from saying harsh words whenever I'm angry."

"Yup," Natatawa niyang sagot habang busy sa pamimili ng pelikulang papanoorin sa TV. "Isama mo pa diyan si Daryl, ako, at lahat ng tao sa school."

"You're not helping!"

"Sige, ganito...wag mo muna isipin. He's probably not coming home tonight because he's trying to cool himself down, and maybe ganoon din ang dapat mong gawin, okay?" She threw a bag of chips directly unto my face and I cursed her, then we laughed about it. Nag palabas naman siya ng isang lumang romantic-comedy chic-flick mula pa ng taong 1995.

Kinabukasan pag uwi nila Mommy at Nikolai mula sa convention ay hindi naman mapakali si Niko na ipakita ang bago niyang laruan kay Keith.

"Where's my kuya?" He asked me.

"Oo, nga...di ba wala kayong pasok sa firm ngayon? Maaga bang umalis si Keith?" Dagdag pa ni Mom.

"Uhmm...hindi siya umuwi, mom." I replied.

"What do you mean hindi siya umuwi? Hindi mo siya nakita kagabi?"

"I-I did, but we got into an argument, and I kind of lashed out on him...He's probably mad at me." I confessed.

"No," Nikolai frowned and pushed me with all his might. "Stupid!"

"Niko!" Mom warned. "Don't say that to your ate."

"She's not my ate anymore, I don't like her. I want my kuya Keith." Nag dadabog siyang umakyat ng hagdan habang humahagulgol.

Hindi ko na mapigilang bumuhos ang aking mga luha. Ginamit ko naman ang aking palad para punasan ang mga luhang tuloy-tuloy pa ding bumubuhos.

"I'm so sorry, darling. You know how Niko is...Pero, kung ano man yang di ninyo pag kakaintidihan, please resolve it quickly bago pa ito malaman ng daddy mo. Make sure to find him, okay?" She hugged me tight. "Ngayon, lagot sa akin itong si Nikolai. Papaluin ko na talaga iyang batang iyan ng sinturon."

Ideya ni Sabrina Reese na hanapin si Keith gamit ang kanyang connections sa mga estudyante ng paaralan. Madami siyang ka-text na nag bigay ng insight kung saan maaaring nag punta si Keith.

"Oakwood heights," She read the text out loud. "Nakita niya daw na pumasok sa subdivisiong iyon si Keith kasama si Rachel."

I feel like I was punched in the guts at the sound of her name. I guess he went that low, huh?

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon