Kabanata 9 - Laugh, Cry, Lose

36 2 0
                                    

Kabanata 9

Laugh, Cry, Lose

I know I already have noticed this before but only with so much despise and indifference that it doesn't count. The way that Keith Andrada moves is different from all the other boys in the school. His walk was graceful for a boy his age, his was proud and secure while others were angst and trivial. He looked incredibly comfortable as he walked amongst the crowd.

He stood up amongst the crowd like an apple in a basket full of oranges. Mukhang hindi lang ako ang nakakapansin nito dahil noong tinawag na ang kanyang pangalan para tanggapin ang 'with high honors' niyang medalya kasama ng aking ina ay lahat napatigil para tingnan lamang sila.

"Uh-huh, ang yummy ba?" Mapanuksong sambit ni Sabrina Reese sabay ang pag-siko na muntik na magpahulog sa akin sa kinauupuan naming mababang brick wall. Pinili niya itong pwesto para makita namin ang kalawakan ng venue pagkatapos na pagkatapos ng recognition exercise ng Junior High School.

"What? Shut up, Sabrina Reese." Inirapan ko siya at mas piniling hindi na pansinin ang mga makahulugang tingin niya at naka tuon nalang ako sa pinapanood na recognition exercise ng mga Senior high.

"Wha-hat? I was talking about that milkshake in your hands. Though, I highly doubt that you even bothered to take a sip on that. Akin na nga lang, natutunaw na eh." Inagaw niya ang plastic na baso sa aking kamay at sinasadyang sagiin ang mga medal na suot ko sa aking leeg para ito'y kumalembang.

"Dami naman niyan, ilan na bang medal meron ka sa bahay?" Parang bata niyang tinanong. Naalala ko ang kapatid kong si Nikolai sa kakulitan niya.

"Ewan." Naiiritang sambit ko para tumigil na siya.

"Basta ako, nanalo kami sa cheerdance...mas malaki yung akin." Nilalapit pa niya ang nag-iisa niyang malaking gold medal sa mukha ko.

"Oo na, oo na..." Mapang asar ko ding tinakpan ang buong mukha niya gamit ng isang kamay ko, muntikan na din siyang mahulog mula sa ding-ding kung hindi lang siya napakapit dito. Natawa naman kaming dalawa sa kahibangan na aming ginagawa.

"Oooh, eh eto? Anong klaseng medal 'to? Medal of love?" Napangiwi ako sa paka-korning tanong niya. Ilang buwang nakatago lang ang kwintas sa loob ng aking uniform para hindi mapansin ng mapanuksong mga mata ni Sabrina Reese, ngayon lang ito nakalabas dahil kailangan ay naka dress kami para sa okasyon. Hinila-hila niya ang pendant at kinikilatis ang silver necklace sa aking leeg.

"Matagal na 'to. Nung pasko pa," Palusot ko, kinukuyom ang pendant sa aking kamao para itago mula sa kanya. Totoo namang sa pasko ko pa ito natanggap.

"Parang may nakita akong gan'to sa Pandora ah," Sambit niya, may tono ng suspetsya sa kanyang boses.

"This can't possibly be from Pandora," Mamahalin ang mga alahas ng Pandora, a high school boy who doesn't even have a job can't possibly buy it there. Especially, not just for me.

"Yuh! And I saw your Keith getting out from Pandora days before Christmas. 'di ko lang sinabi dati kasi akala ko wala lang, pero eeeee!" Bigla siyang nangingisay na parang kilig na kilig, at may lakas na loob pa siyang nanulak. Pag ako talaga nahulog dito!

"He's not my Keith." Napairap ako sa kanya. I brushed the ridiculous thought away. Napatingin muli ako sa okasyong aming tinatanaw, pansin ko kung gaano ko kabilis mahanap si Keith sa madla. I have memorized his figure, the way he moved, the way he carried himself. I can easily spot him walking closer towards our location.

"Your mom's tired, we should go." Sambit niya ng makalapit siya kung saan kami naka upo. His eyes were only fixed at mine, kahit na binati siya ni Sabrina Reese pag dating niya.

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon