Introducing: Passions of Spring

10 2 0
                                    

Hello! 

I've come a long way since my very first completed story and I have a new project working on. This time, I'm dedicated to finishing it as fast as I can. 

I hope you'll find time to check it out :)

~Here's a preview for you~

Passions of Spring

Kabanata 1

Wave

I like things that look like mistakes. When I have to stop for a moment to get a closer look at what it means. What it's supposed to be. Wondering if it was really meant to look that way or was it just a happy little accident. A perfect mistake. When a painting gets smudged and the painter puts a little flower in it. When ballerinas took a wrong step and instead of stopping, she does a little pirouette. When a singer sang the wrong chorus, she'll put the mic away and let the crowd sing with her. A smile. A blush. When everyone knew it was a mistake but, in a way, it made everything more mesmerizing.

I looked at myself in the hand mirror and scrunched up my nose as strands of hair fell on my nose and cheeks. My freckles looked darker in the heat. Mas lalo itong dumadami tuwing summer dahil lagi akong sumasama kay Papa tuwing lalaot siya para mangisda sa umaga, sa tanghali naman ay nasa palengke ako para samahan sina Mama at Tita Conching, kapatid ni Papa, sa pagtitinda ng mga nahuling isda.

"Harap nga dito," Naiiritang hinablot ni mama ang aking baba para mai-harap sa kanya. "Masyado kasing pake-alamera ayan tuloy ang pangit na tingnan. Kung ano-ano pumapasok sa isipan ng batang ito talaga."

"Ganyan talaga, Ate Sylvia, nag dadalaga na si Zelda e. Natural lang na gusto na niya mag karoon ng sariling ayos." Natatawang sumbat ni Ate Conching habang nagbubugaw ng langaw paalis sa istante namin ng isda.

Mama continued brushing strands of hair on my forehead. Tinuon ko ng pansin ang butil ng pawis sa gilid ng kanyang sentido, ang pag-ngiwi ng kanyang manipis na labi tuwing ginugupit ang hibla ng aking buhok na tila ba nasasaktan siya habang ginagawa iyon, ang kunot ng kanyang kilay, at ang tikwas ng sariling buhok mula sa pagkakatali.

Mama was a very beautiful lady. Halata kahit na hindi siya nag-aayos ng itsura. She had a heart-shaped face and kind brown eyes. She also had little freckles on her cheeks but not as clear as mine. Her face was clear despite the bags under her eye, her nose was sharp and slim. I envied her nose so much.

Nireklamo ko ang button nose ko sa kanya dati pero tumawa lang siya at sinabing mag iiba pa daw ito pag laki ko.

Iniimagine ko noon na isa siyang Sirena na nahumaling sa isang mangingisda kaya napili niyang tumira dito sa lupa. Iniimagine ko ang kanyang mahaba at makintab na buhok na punong-puno ng perlas, katawan na puno ng mga alahas. Sa kathang-isip na ginawa ko, iniwan ni mama lahat ng iyon para makasama si Papa, para mabuo ako. Isang istorya ng totoong pag-iibigan. Mala-fairy tale.

Hinawakan ko ang tikwas ng buhok niya at napa-ngiti habang iniipit ito sa likod ng tainga niya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Mama. "Ngingisi-ngisi ka pa, sinayang mo buhok mo. Sabi nang hindi babagay ang bangs sa iyo lalo na't kulot ka. Pag natuyo yan, mas lalong iiksi yan. Sabog ang labas."

Napalabi akong tumingin muli sa salamin at sinuklay ang aking bangs na sa kalahati lamang ng aking noo. "Ayos naman e. Parang kay Audrey Hepburn."

"Audrey Hepburn ka diyan, hawig mo kamo yung pandak sa Shrek." Sabi niya bago harapin ang bagong dating na customer.

"Maganda naman diba, Ate Conching?"

Tumango si Ate Conching, nagpipigil ng tawa. "Kahit kalbo ka pa, Zelda, maganda ka pa rin tingnan. Matangos ang ilong, mestisa, sexy..."

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon