Kabanata 10 - Busy Days, Late Nights, and Cold Afternoons

39 2 0
                                    


Kabanata 10

Busy Days, Late Nights, and Cold Afternoons

Days in the office gone by as we all busy ourselves with stacking papers, organizing folders, retrieving them, photocopying and delivering to whoever needs it. Minsan naman ay bumibili lang kami ng kape at kung anu-ano pang pagkain para sa mga associates at iba pang mga empleyadong may matataas na rank. Bihira ko lang din makita ang sarili kong ama sa trabaho, hindi naman siya nagagawi sa wing na ito. Kung malayo ang relasyon namin sa bahay ay mas napalayo kami dito sa kanyang kumpanya na para siyang hari kung tratuhin ng mga tao.

Nakilala ko na din ang iilan sa mga empleyado dito sa aming wing at ibang-iba ang kanilang pag-iisip kumpara sa mga mabababaw na highschool students. Mas marami pa akong naging kaibigan dito sa loob ng isang linggo kaysa sa buong buhay ko sa paaralan. Madali din pakisamahan ang mga paralegals at minsa'y tinutulungan kami sa pag organize ng mga legal documents. Maliban sa mga junior associates, kahit pilitin kong magustuhan ang mga ito ay napaka-ilap nilang pakisamahan.

Marami sa kanila ay mayayabang at akala nila ay mas mataas sila kaysa sa ibang empleyado dito. Just because they have a fancy degree, doesn't mean they have the rights to order us around. I'm sure may mga exemptions pero bibihira lang sila nakikisalamuha sa mga mas mababa ang rank sa kanila. Lagi din nilang ginugulo ang mga kakaayos lang na files sa storage room, dagdag pahirap sa trabaho.

"I need the medical records for the Pioglitz case," Lumapit ang isang babaeng associate sa area ng mga clerk, mukha pa itong bata at mayroong aura na baguhan pa lamang ito. Hindi siya sinunod ng kahit sino dito sa clerks' area. Iginala niya ang tingin sa lahat ng clerks na naka-upo sa kani-kanilang desk. "Well? What are you staring at? I need all of it...please."

Tahimik ang lahat at wala ni isa ang kumikibo.

"Bago ka lang dito, noh?" Lumapit si Madam Osang, kung tawagin ng mga clerks, siya ang pinaka matagal na paralegal dito sa opisina at para na din siyang head ng east wing, nakataas ang kilay at mataray na iginegewang ang malaking balakang papunta sa baguhang abogado. Madam Osang was a bit on the plus side at kaya niyang sindakin kahit na ang mga junior partners. "Kunin mo dun. Eleventh floor."

"Bring it to my desk, marami pa akong---"

"Attorney, tatlong libo ang nag sampa ng kaso sa Pioglitz. Baka malunod ka sa pwesto mo kung dadalhin pa namin dito." Mukhang bagot ang tono ng boses niya at parang madami beses na siyang nasa ganoong sitwasyon kung saan kailangan niya makipag sagutan sa mga baguhang associates.

"But---"

Hindi na siya pinatapos sa kanyang pag protesta. "Doon mo na gawin."

"Psh! Clerks..." Umirap ang abogada at umiiling-iling na nag lakad palayo. Maraming clerks ang natawa sa pagtiklop ng abogada kay Madam Osang.

"Nelson, sundan mo dun at baka maligaw." Sambit niya na may aliw sa kanyang boses. She likes doing this things to fresh graduate lawyers. Gustong-gusto niyang ipamukha sa mga ito na porket mas mataas ang pinag-aralan nila ay dapat na nilang maliitin ang ibang katrabaho. And I admire her for that.

Sumunod naman si Nelson at hinabol ang abogada. Tiningnan kaming lahat ni Madam Osang. "O, anong tinitingin-tingin niyo diyan? Balik sa trabaho." Nagsi-alisan naman ang mga clerks para mag hanap ng iba pang magagawa sa opisina.

"Aureus, Andrada, De Dios," Binasa ni Madam Osang ang kapirasong papel na kanyang hawak, tsaka tiningnan kung sinu-sino ang binanggit. "Sumunod kayo sa akin." Dinala niya kami sa west wing para makipag meet sa isang junior partner.

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon