Kabanata 6 - Headaches, Wayfarers, and a Red Beret

51 1 0
                                    

Kabanata 6

Headaches, Wayfarers, and a Red Beret

Why isn't she waking up?....

She's probably just tired, I researched about...

I could hear a series of hush conversation in the background that made me snap out of my dream. It was such a wild dream. I couldn't even understand a single thing that was happening in it. I wonder how long was I sleeping.

Then the bright red light flooded the back of my eyelids.

"Turn the freaking lights off!" I used my palms to cover eyes but the lights aren't getting any dimmer. I groaned, irritated at everything.

"Wake up, your mother's looking for you." I heard Keith's annoying voice walking around my room. Great, another irritating presence.

"Get out of my room, you trespasser..." I threw a pillow, hoping I'd hit him with my eyes closed. I probably didn't, but it's the thought that counts.

"Uhmm...Gaby." It was another person's voice. A tone so high pitched I was a hundred percent certain it didn't came from Keith. Napabalikyas ako sa aking kama at pilit na buksan ang aking mga mata. Ang sinag ng araw ay parang karayom na paulit-ulit na tumutusok sa aking mga mata. Kumurap-kurap ako para ayusin ang aking paningin sa aking paligid. Pansin kong iba ang ayos ng aking mga gamit taliwas sa aking alaala. Ang dating kama ko na nakaharap sa isang tokador ay ngayo'y nakaharap na sa bintanang may kurtinang lino na tinatakpan ang tila maliit na terasa at ang buong paligid ng silid ay nababalot ng pastel pink na pintura.

Hindi ito ang kwarto ko.

"You spent the night here," Bahagya akong napatalon sa gulat ng biglang may mukhang bumulaga sa aking harapan. Ang malaki niyang mala-manikang mata ay kumukurap kurap pa sa akin. "We had a sleep over."

Bigla namang pumintig ang kirot sa aking kokote. Nagsimula ito sa likod ng aking mga mata at kumakalat sa noo papunta sa sentido. Napamura ako sa sakit at pinilipit ang aking ulo. Mababasag na ata ang bungo ko.

"What the hell happened last night?" Tanging bulong lamang ang nakalabas sa mga labi dahil masyadong nakatuon ang aking atensyon sa sakit ng aking ulo.

"Uhmm..." Rinig ko ang pag aalangan sa boses ni Sabrina Reese. What could possibly have happened that she needed time to think of the answer?

"Get me some shades, will you? The lights are cracking my skull." Utos ko sa kung sino man sa kanilang dalawa habang kinukusot-kusot ang aking mga mata. The sun will fry my eyes if I keep it open.

"It's always you and the lights..." Inip at makahulugang sambit naman ni Keith habang pilit na isinuot sa akin ang kanyang wayfarer. Doon ko lamang lubusang nasilayan ang kabuuhan ng silid ni Sabrina Reese. Umupo si Keith sa dulo ng kama habang si Sabrina Reese naman ay nakaupo sa gilid. Parehas silang naka suot ng uniporme. Doon ko lang napagtanto na may pasok na pala ngayon.

Napatingin naman ako sa sarili kong damit. Hindi na ako umangal naka-pajama ako ng pink na may print na hello kitty. Great.

"Your mom made me bring your uniform. She said you never want to miss school." Sambit ni Keith habang itinapon ang malaking paperbag sa aking hita.

"What did you tell her?" Ibinaba ko ang aking mga paa mula sa kama at dahan-dahang sinubukang tumayo. Umalon muli ang aking paningin bago pumatag ang sahig. Be still, floor. Nang nakakita ako ng baso ng tubig mula sa mesa ay inabot ko agad ito para mahugasan ang pait ng lasa ng aking dila.

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon