Kabanata 3 - Bitches, Snitches, and Stitches

68 5 0
                                    


Kabanata 3

Bitches, Snitches, and Stitches

Nagdaan ang maraming linggo ay mas lalong lumala ang sitwasyon, lahat ng tao ay gusto nang makipag usap sa kanya. Hindi din napigilan ng mga Junior high na maki-sali sa craze. It's like he is in the spotlight and he's enjoying it. Kasalukuyang nakaupo ako dito sa president's chair sa Student council room namin discussing about the plan for the coming Christmas party.

"I imagined it to be grand!" Maligalig na sabi ni Daryl, ang vice president ng Junior student council.

"Yeah? I've heard that same phrase a year ago and what happened? Failed!" I started. Obviously, sanay na sila na lagi kong napapagalitan. Paano ba naman kasi, hindi nagtatanda. I don't even understand why they have the guts to run as SC members, talaga bang popularity lang ang habol nila sa position na ito?

"But Miss president, hindi naman po fail ang party last year. In fact base sa evaluation ng mga students--" Sabi ng babaeng naka red na glasses. I forgot her name, was it Cherry?

"I don't care about that damn evaluation!" Sigaw ko sa kanila habang hinampas ng malakas ang table. Bahagya silang napatalon sa gulat at takot na din. Nakaka-bwiset! "Hindi lahat ng members gumagalaw, gulo-gulo ang flow ng party, at ang daming kalat pagkatapos. Is that what you call success?" Natahimik ang room, lahat ng sila ay nakayuko at walang imik. Naka yuko silang lahat at umiiwas ng tingin sa akin.

"Let's just assign committees first?" Sabat ni Daryl. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. Isa pa itong asungot na ito!

"Yes Daryl we will, later." Nararamdamang ko umiinit ang pisngi ko sa pagpipigil ng inis. "Sa ngayon ay mag-isip muna tayo kung ano ang gagawin. Sa susunod na may gustong mag salita please raise your hand." Binigyang diin ko ang salitang please.

Itinaas ni Daryl ang kamay niya. "Yes, Daryl?" Mahinang sambit ko na para bang nanghihina na. Susuko na ako dito kay Daryl, sadyang tanga lang ang batang ito.

"Pwede niyo po ba akong ilagay sa logistics? You see I am good at--"

"Later, Daryl." Sabi ko habang nakapatong ang aking mga siko sa lamesa at hinihimas ang noo ko na may kasamang buntong hininga. "So, my plan is to have bazaars, booths and contests. Bigyan nating ng pagkakataon ang mga classes to organize their own booths. Fund raising na din ito for the upcoming 'bigay puso' charity work this coming Christmas day. Since I can't trust this program to you people alone, I am dividing the work. I want this year to be different, I want us to know the true meaning of Christmas. To give and have fun." Tiningnan ko sila isa-isa at mukhang nagulat sila sa planong ito, baka nag eexpect sila ng another crappy campus party na wala namang pakinabang sa lahat kundi perfect opportunity lang na ipasikat ang mga nagmamahalang damit nila.

"Any suggestions?" Tanong ko sa kanila. Itinaas muli ni Daryl ang kamay niya. Bumuntong hininga ako at hinayaan siyang magsalita.

"May Santa Claus ba tayo this year?" Tanong niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o maiirita pero I showed no reaction to it, instead tinitigan ko lang siya para kumpirmahin kung seryoso ba talaga siya sa tanong niya.

"If you want it so bad, go ahead and dress like one." I said nonchalantly. Lahat sila nagtawanan at naging light na ang aura ng paligid. Marami nang nag uusap-usap kung anong committee nila gusto mapunta at marami na ding nag dadagdag ng mga ideas nila. It's nice to see that I can still control this part of

"I have a question, miss president."Lahat kami napatingin sa kung saan nang gagaling ang boses. Nakahilig si Keith sa barandilya ng pinto ng Student council room. "What time will your meeting end? It's already six-thirty on my watch and Mang Ben won't go unless you--" Oh no, wag mong sasabihing magkakilala tayo.

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon