Kabanata 11 - Justice, Japery, and Jealousy

45 1 0
                                    

Kabanata 11

Justice, Japery, and Jealousy

"Anyare sayo?" Tanong ni Theo habang nakahilig ng bahagya ang kanyang ulo sa pagtataka. "Kanina ka pang tahimik, nakakapanibago."

Pinag isipan ko munang maigi ang sasabihin, kung paano buohin ang mga salita para itanong sa kanya ang bumabagabag sa akin. "Anong iniisip mo habang sinasabi mo iyong mga sinabi mo kay Lola Melay?"

"Ah!" Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan at humigop sa kanyang mamahaling wine mula sa eleganteng kopita nito. "You're having that moment."

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya tumitig lamang ako sa kanya, hinihintay na maliwanagan. "It's normal...lahat ng baguhang lawyers ay dumaan sa ganyan. Yung iba nga matagal na sila sa kanilang propesyun bago nila ma-realize."

Inilapag niya ang kopita at hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay, kinukulong ito sa kanyang palad na parang natatakot siyang iwanan ko siya dito sa susunod niyag sasabihin. "We are lawyers, corporate lawyers. That's what we do, or what you will be doing in the future. Aureus&Co specializes in helping the rich keep their wealth and we're good at it! It has been that way ever since. Do you think your father became successful in what he's doing by just defending the oppressed?"

"Akala ko ba ang trabaho ninyo ay ang ipaglaban ang tama, to fight for what is right?"

"Right? What is right? We do not know that yet. You probably know the saying 'Innocent unless proven guilty', that applies to our client too. What I'm saying is that we represent our client's best interest and we do the best we can to win. Because the reality is...you would rather have a lawyer who always wins to defend you than a lawyer who won't because of his unwavering moral compass." He explained, casually and without remorse.

"So, this is all because of the reputation you must maintain? You need to be the best!" Tinanggal ko ang kanyang pag kakahawak sa akin. Napalakas ang aking boses at napalingon ang mga tao sa katabing mesa. "What about justice, huh? Paano iyong mga katulad ni Lola Melay? Are you just planning to turn a blind eye just because you want to look good in front of my father?"

"Gaby, I'm just an employee," He said, his voice was soft now. Almost like pleading. "I'm just following an order. You, on the other hand...are the heir to the company. If you don't like how things run in your father's management, you can change it."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanyang sinabi. Did he just ruined my perception on things and then made me hope for the best? Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sampalin ko palakpakan sa pagkakataong ito. Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanya, napakagat na lamang sa aking labi at pinigilan ang aking sarili mag salita pa.

"Isn't that your boyfriend?" Biglaan akong lumingon sa kanyang tinitingnan at nakita si Keith na nakaupo sa mesa sa may kalayuan kasama ang isang babaeng sigurado akong mas matanda sa kanya. Nakasuot ito ng smart suit at naka pencil skirt, ang kanyang buhok ay malinis na naka updo at mukha itong may lahing banyaga. Matangos ang ilong at pulang pula ang mga labi. That woman looks so regal and matured.

"He's not my boyfriend." Naiiritang tangi ko kay Theo habang nakatitig pa din sa kanilang dalawa. Hindi ko maisip kung ano ang posibleng pinag uusapan nilang dalawa. The lady smiled, while Keith seemed to be enjoying whatever they're talking about. He leaned on the table and looked at the lady intently.

"Well, I guess...hindi na ngayon," Itinaas niya ang kanyang kamay para hingiin ang bill sa waiter. "Let's get outta here before he sees us." Nag bayad siya at inalalayan akong lumabas.

Iniwas ko lamang ang aking tingin at hinayaan si Theo na tangayin ako palabas ng restaurant. Pilit na nakipag usap sa akin si Theo pero masyadong okupado ang aking isip sa maraming bagay.

Sisihin Ang Bagyo | Wattys 2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon